Chapter 8

60 2 0
                                    

Zircon's POV

Kasalukuyan akong nasa kotse ko papunta sa bahay ni Harricet.

'Today's gonna be a very wild day.'

I smirked, the idea of seeing Harricet crying in front of me, begging for me to stay.

'Ang saya saya ko kapag nakakasakit ako ng mga babae. Nararapat lang sakanila 'yan, Kaming mga lalake ang nasisisi sa pagiging gago pero sila ang tunay na gago, mga malalandi at manloloko, Pera lang ang habol nila samin. Mga wala silang kwenta. Mga bobo.'

Ilang minuto lang ay narating ko ang condo ni Harricet. Pumarada agad ako sa parking at pumasok ng condo. Nang makita ako nung security ay agad niya akong pinapasok. Tumungo ako sa elevator at swerte dahil wala akong kasama, sumakay ako rito, pero bago pa ito sumara ay may babaeng humarang rito dahilan para bumukas muli ang elevator at makapasok siya.

"Hooh! Buti nakaabot ako!" Pawis na pawis pero halata ang ginhawa sa mukha niya. She's wearing a decent white dress with a pair of white doll shoes. She looks so simple.. but elegant.

'What the fuck am I thinking?'

Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at hinintay na bumukas ang elevator.

"Anong floor ka?" Biglang tanong nung babae.

'Huh?'

"Huy! Anong floor ka, boy? Wala ka pang pinipindot oh!" Turo niya doon sa pindutan.

'Shit! I'm such an idiot! Bakit hindi ko naisip 'yun?'

"3." Tanging sagot ko at hindi siya natinag.

"Parehas lang pala tayo." Sagot niya at nanatili ng tahimik.

Kanina pa siya nandito pero parang pawis na pawis pa din siya, sa istura niya ay mukha siyang kinakabahan at parang hindi siya mapakali.

"Fuck. Tangina. Ano kaya una kong sasabihin? Jett, Okay ka lang ba? Shit no! Malamang hindi 'no! Bobo ko naman! Okay eto kaya Jett, ako na mag-aalaga sayo. Putanginire! Kapanget! Ku"

"Kung magpapractice ka, pwede bang sa labas ka nalang ng bahay niya? Masyado kang maingay." Naiiritang sambit ko sakanya at gulat siyang napatingin sakin.

Akala ko ay mananahimik na siya pero sumama ang tingin niya sakin at umirap.

"Mind your own business, moron." Galit na sambit niya sakin.

'Ano kamo?! Moron?! Aba ga'

*ting!

Bumukas ang elevator at agad na lumabas iyong babae.

'Humanda ka talaga sakin kapag nakita kita ulit!'

Lumabas na din ako at naglakad papunta sa room ni Harricet. Nagulat nga ako dahil kasabay ko pa din 'yung babae kanina. Patungo siya sa direksyong tinatahak ko.

Tumigil ako sa harap ng pintuan ni Harricet. Nagulat din ako dahil tumigil din 'yung babae rito.

"Ikaw na naman?! Ano bang problema mo't sinusundan mo ako? Dahil sinungitan kita kanina? Aba"

Showing Fake Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon