Hyacinth's POV
"Sorry, I'm late." Sambit ko pagpasok na pagpasok ko sa classroom.
Ang sama ko pa nga kasi hindi ako kumatok at dire diretsong nagsalita sa harapan.
"Why are you late, Montevilla?" Tanong sakin ni Miss.
"None of your business." Sagot ko lang at naupo na sa upuan ko.
Nagulat naman ako nang biglang may bumulong sa akin.
"Babe, ang sungit mo naman ata?"
Hindi ko siya pinansin at kunyaring nakikinig kahit hindi naman talaga. Paano ba naman kasi 'tong Jeuos na 'to! Kanina pa ako dinadaldal. Tsk.
"Tapos alam mo ba 'yung BTS magko-conceㅡ"
"Shut up, will you?" Sambit ko habang nakaharap sa blackboard.
Hindi siya sumagot kaya hindi ko naiwasang lumingon sakanya.
'Pucha!'
Konting konti nalang.. shit!
"Wah! Sayang! Pero pucha hindi ko inaasahan 'yun! Kanina pa ako nakaganun! Promise!" Sabay taas niya ng kanang kamay niya.
'Muntik na! Muntik na talagaaaaa!'
Pagharap ko kasi sakanya sobrang lapit ng mukha niya tapos muntik na kaming magkahalikan! Pucha diba?!
Sinamaan ko lang siya ng tingin at binalik ang paningin sa harapan.
"Pero wait nga.. may nakita ako eh.. hmmm.. baka namamalikmata lang ako.. hmmm.. namumula 'yung pisngi mo.." Bulong niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko.
'WHAT?!'
Kinakabahan ako, pucha.
'Talaga bang namumulaㅡ'
"HAHAHAHAHA!" Tawa niya bigla kaya nakuha niya lahat ng atensyon.
"Mr. Arreza! What's funny?!" Sigaw ni Miss.
"Wala, Miss! Nagpapatawa po kasi si Hyacinth eh!" Turo niya pa sakin.
Umirap ako.. sa tingin ko alam ko na ang plano niya.
"Hala sige.. GET OUT YOU TWO!" Sigaw bigla ni Miss.
'Tsk, as if naman may pake ako.'
Tuwang tuwa na tumayo si Jeuos at hinila ako.. sa kamay pa talaga kumapit! Pucha! Wow ha!
"Omg nakita mo 'yun? Nahawakan niya kamay ni Hyacinth! Hindi ba siya natatakot?!" Bulong nung kaklase ko habang naglalakad kami palabas ni Jeuos.
Lumingon pa ako pero hinila ako ng malakas ni Jeuos kaya sumubsob ako sa likod niya.
'Ano bang problema nito?!'
"Whatㅡ"
"'Wag mo ngang pinapansin 'yung mga ganung papansin. Hindi ka naman cold eh. Alam kong may rason kung bakit ka ganyan!" Seryoso niyang sambit.
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
KurzgeschichtenKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...