Chapter 16

57 2 0
                                    

Hyacinth's POV

"Oh! No no, hija! Wala siya rito. Binisita niya ang mga tita niya para ipaalam na nakauwi na siya." Sagot ni Tita Vane.

Napahinga ako ng malalim.

'Thank God!'

"Ah ganun po ba. Sige po, magpapakulay po sana si Ate Lauren." Sambit ni Amethyst.

"Ganun ba? Oh sige! Pasok!" Pagyaya ni Tita Vane sa amin.

Pumasok kami at pinaupo naman agad niya ako. Tumawag siya ng magkukulay sa akin.

"Cedricka! Halika rito! Gawin mo ang gusto ni Hyacinth. I want it perfect! Dapat 'yung gusto niya talaga! Pagandahin niyo ng bongga! Ayusin ang kilay! At lahat lahat na! Kailangan kapag nakabalik na ako rito, bonggacious na ang kagandahan niya!" Tugon ni Tita Vane.

"Sure, 'Te Vane!" Bading na tugon nung Cedricka.

'Bonggacious na nga kagandahan ko ngayon, pano pa kaya kapag nadagdagan pa ng isa pang bonggacious na kagandahan? Aba!'

"Oh mga hija, aalis muna ako't susunduin ko daw si Vont. Hah! Magdedate daw kami." Sambit ni Tita Vane.

'Sana naman hindi nila agahan ang paguwi. Kasi katabi lang ng salon na 'to ang bahay nila. Putek na 'yan.'

"Sige lang, Tita Vane. Take your time po! Ingat po kayo!" Maligayang tugon ni Amethyst.

Nagpaalam na din ako sakanya at umalis na siya.

"Bbgirl, anong kulay ba ang gusto mo?" Tanong nung bading sa akin.

Tumingin ako kay Amethyst.

"Ah! 'Yung ash brown daw po tapos higlights na dark brown!" Sagot ni Amethyst.

"Aba! Bonggacious! Pak na pak! Oh sige, ah! Hintay ka lang, be! Gagawin kitang pretty pretty pretty beautiful beautiful 3x! Dadagdagan natin beauty mo!" Bading na bading na tugon ng bakla.

"Hah! Excited na ako!" Excited na tugon ni Amethyst.

Nangiti naman ako.

'Ano kayang kalalabasan nito?'

***

Kinabukasan..

"Aya, bumaba ka na diyan, kakain na!" Tawag ni Ate Lad sa akin.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Kinukusot kusot ko pa ang mata ko, kagigising ko lang kasi. Naglakad na ako pababa at nakitang nakaupo na roon si Ate Lad, Amethyst, Citrine, Sapphire at si Zircon.

Hanggang ngayon hindi pa umuuwi sina Mommy.

"Bakit hindi si Janice ang tumawag sa akin?" Tanong ko.

Ngayon lang kasi si Ate Lad ang tumawag sakin. Madalas si Janice.

"May ginagawa siya." Sagot ni Ate Lad.

Nilingon ko ang pagkain sa lamesa. At putangina, gulay 'yon. Umakyat ulit ako sa taas.

"Hoy hoy! Saan ka pupunta? Kumain ka rito!" Sigaw ni Ate Lad.

"Hah! Gulay kaya 'yan! Asa kang kumain ako niyan!" Sigaw ko.

"Ito ang bacon, Aya. Bulag ka na ba?" Napakusot ulit ako ng mata ko. Inaninag kong muli ang nasa lamesa.

Showing Fake Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon