Zircon's POV
"Fuck, Bakit dumating ka pa rito? Hindi ba't you're with my sister? Sa pagkakaalam ko ay may ginagawa kayong kababalaghan doon." Tanong nung Jett sa akin sabay kunot ng noo niya.
"What the hell?" Hindi makapaniwalang sagot ko sakanya.
"Jethro Daves! Ano bang pinagsasabi mo?!" Mukhang naiiritang saway sakanya nung babaeng maingay.
"What? Totoo naman eh!" Sigaw naman nung Jethro Daves daw.
"Ang bastos ng sinasabi mo! Hindi naman siguro ganun ang ginawa nila!" Sigaw naman nung babaeng maingay.
"Eh ganun namanㅡ"
"I need to go now." Sambit ko.
"S-Sorry po." Paumanhin naman nung babaeng maingay.
"It's okay." Sagot ko at tuluyan ng umalis.
Paglabas ko ay narinig ko agad ang sigawan nila.
"Kasi naman, Jethro! Para kang tanga!"
"Para ka ding tanga, Porceval!"
'Ah so ang Jett at Val ay ang tawagan nila? Tsk tsk.'
Tinuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa elevator. Swerte na naman ako kasi wala na naman akong kasabay. I arrived at my car peacefully kaya nakauwi din ako peacefully.
Pagpasok ko ng bahay ay nakita kong naglalaro sina Amethyst at Sapphire.
'Asan sila? Bago ako umalis kanina andito pa sila ah?'
"Kung nagtataka ka kung nasaan sila, Sa pagkakaalam ko ay pumunta sila sa birthday party." Nagulat nalang ako dahil biglang sumulpot sa likod ko si Citrine.
'Mukhang kakauwi niya lang din.'
"Ikaw? Saan ka galing?" Tanong ko.
"Kailan ka pa naging interesado sa nangyayari sa pamilya mo, Kuya?" Tanong niya at seryoso ang itsura niya.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Madalas ko siyang makitang tumatawa at laging nakangiti. Hindi ko na siya sinagot at dire-diretso ng umakyat sa taas.
"Ang sungit mo naman, Ate Eu." Narinig kong sambit ni Sapphire.
"Shut up." Sagot naman ni Citrine.
Agad na akong pumasok sa kwarto ko at ni-lock ang pinto.
***
Hyacinth's POV
Nanatili akong tahimik habang nagmamaneho. Mukhang sila rin naman. Nakaupo sa passenger's seat si Ate Ladevine at si Severene at Hedeiva naman sa likod.
Hanggang ngayon ay awkward pa din. Nanatili kaming nakatayo kanina doon hangga't sa nagpasya si Ate Ladevine na umuwi na. Ako naman ang maghahatid sakanila kaya nauna na si Maxemorㅡ
"Ah dito na kami ni Severene, Hyacinth." Napatingin ako sa paligid at nakitang dito niya ako pinapatigil sa sakayan ng jeep.
"Hindi pa naman dito ang bahㅡ"
"May pupuntahan pa kasi kami." Dagdag naman ni Hedeiva.
Tumigil ako at hinayaan silang bumaba.
"Salamat, Hyacinth at Ate Ladevine." Tumango lang kami ni Ate Lad at umuwi na din.
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
Short StoryKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...