Hyacinth's POV
Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ko pauwi. Pagdating ko sa bahay ay agad na bumukas ang malaking gate at pagtapat ko sa garahe ay agad ko ng ipinarada ang kotse ko.
"Andito na po pala kayo, Ma'am Hyacinth." Sambit nung guard namin-- I mean guard nila Mommy, pagdating ko sa harap ng pintuan.
Hindi ko ito pinansin at dire-diretsong pumasok ng bahay, nadatnan ko si Ladevine na nasa living room na nagla-laptop. Si Citrine naman na nagce-cellphone sa tabi niya. Si Amethyst at Sapphire naman na nagbabangayan. Wala si Zircon. Malamang nakakulong na naman sa kwarto niya. Ang apat kong kapatid, nagsama-sama sa living room. Pang-lima ang kapatid kong masungit na si Zircon.
'Ang panganay na si Ladevine Montevilla, Ang pangalawa na si Zircon Lazarus Montevilla, Ang pangapat na si Citrine Eunice Montevilla, Ang panglima na si Amethyst Torri Montevilla, Ang bunso na si Sapphire Denver Montevilla at ako na pangatlo.'
"Akin nga kasi 'to! Paepal ka talaga eh 'no! Nag-aano lang naman ako dito!" Sigaw ni Amethyst kay Sapphire.
"Eh sinapak mo kaya ako sa ipin! Epal ka din! Akin na nga 'yan!" Sagot naman ng bunso.
'Hay nako. Simpleng ballpen pinag-aagawan!'
"Ano ba! Sa yaman nating 'to, Nag-aagawan pa kayo sa isang ballpen? Shunga ba kayo? Bigyan ko kayo diyan ng isang milyong ballpen, tignan niyo!" Iritang saway ni Citrine sa dalawang kapatid na nag-aaway.
"Sige nga!" Sabay na hamon ng dalawang kapatid niya sakanya.
Bakas sa mukha ni Citrine na nagulat siya sa isinagot ng dalawang kapatid.
'Kahit kailan ka talaga, Citrine. Bobo.'
"Joke lang kaya 'yun! Asa naman kayo!" Halatang napapahiyang sagot ni Citrine sa dalawa.
Napatingin sa akin si Ladevine at agad itong nagsalita.
"Oh, Hyacinth. Andyan ka na pala. Kumain ka na ba? Kung--"
"Kumain na ako."
'Kahit hindi pa talaga. Wala akong gana.'
"Osige. Basta kapa--"
"Ok." Sagot ko lang at dire-diretsong umakyat sa kwarto ko.
"Manang mana talaga si Ate Lauren kay Kuya Rus! Parehas masungit!" Pabulong na sambit ni Amethyst pero sapat na ang lakas nito para marinig ko.
'Baka nga..'
"Anu ka ba! Mabait kaya si Ate Lauren!" Laban naman ni Sapphire sa kapatid.
"Hindi pa ba kayo sanay? Eh lagi naman talagang ganyan si Hyacinth. Ngayon niyo lang ba napansin? Mga shunga talaga 'to. Pag-uuntog ko kayo diyan eh."
'Citrine, Citrine, Citrine. Why so hard?'
"Hard mo naman sa amin, Ate Eu." Sambit ni Amethyst.
'Bago ko pa makalimutan. Si Ate Ladevine ay 23 years old na, Si Zircon naman ay 19 years old, Ako naman 18 years old, Si Citrine ay 16 years old, Si Amethyst naman 15 at si Sapphire ay 13. Graduate na si Ate Lad at si Zircon ay nasa 2nd year college, Ako naman 1st year college, si Citrine ay 3rd year highschool, Si Amethyst ay 2nd year highschool, at si Sapphire nasa 1st year highschool.'
Kaunting lakad nalang ay mararating ko na ang kwarto ko pero napatigil ako nang biglang bumukas ang pintuan ng katabi kong kwarto which is Zircon's room. Lumabas siya at napatingin siya sakin pero wala kang makikitang kahit na anong reaksyon o kahit na anong emosyon sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
Short StoryKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...