Hyacinth's POV
"Oo, may problema ka ba dun?" I asked him, raising my eyebrows.
'Tsk tsk! Bingi ba siya?'
"N-No I wa--"
"Okay okay, Listen now." Pag-puputol ni Ms. Ladevine sa sinasabi ni Pierce.
"Tch." I exclaimed. I noticed Pierce sighing.
'Sus! Itong kup--'
"Hyacinth, Isa pa talagang ka-tigasan ng ulo mo." Halatang galit na sambit sa akin ni Ms. Ladevine.
"Ok." I answered, uninterestedly.
***
"'Wag mong sabihing hindi kita binalaan, Hyacinth. Sinabi ko sayo, Tama na 'yang ka-tigasan ng ulo mo. Learn to respect." My sister said with authority.
'Kahit ganyan siya ay aaminin kong hindi ako masyadong natatakot..'
"You know I'm not scared, Ladevine." I answered, rolling my eyes.
"Yes, I'm aware of that. Pero sana.. sana kahit kaunti.. matuto kang rumespeto. Sa kahit kanino, Ang daming nag-rereklamo sa akin na napakasungit mo daw. Ako ang na-aapektuhan dito, Hyacinth. Ate mo ako, Adviser mo pa ako. Baka sabihin ay hindi kita tinuturuan. Kapag nalaman ito nila Mom--"
"Ayan! Ayan ka na naman! 'Kapag nalaman nila Mommy', 'Baka magalit sila Mommy' achuchuchu! Ano ba! Alam mong wala akong pake kung anong isipin nila! Kasi kahit naman anong gawin ko, Ikaw pa din ang gusto nila! Laging ikaw, ikaw, ikaw! Pagod na pagod na ako.. Sa totoo lang.. Parang gusto ko ng umalis ng bahay.." Pag-lalabas ko ng aking nararamdaman.
'Kahit ba na ganito ako ka-walang respeto. Nasasaktan din ako, May nararamdaman. At may tinatagong hinanakit. Ayokong sabihin na na-iinggit ako sa kapatid ko.. Nag-seselos ako, Kasi lagi nalang siya. Siya nalang lagi ang napapansin. Wala na ako..'
"H-Hyacinth, I--"
"It's okay, Ladevine. I'm totally fine. Sanay na ako dito. Kung dati ay nagawa kong ma-lampasan ang ganitong klaseng problema, malamang ngayon ay kaya ko pa din. Pero sana alam niyo na napapagod din ako. Nakakasawa din kasi." Huling katagang sinambit ko at umalis sa harapan niya.
'Konting-konti nalang.. Aalis na ako sa mundo nila. Tutal sapat naman ang savings ko sa bangko para bumukod sakanila. Kaya kong pag-aralin ang sarili ko at makabili ng bahay na matitirahan ko. Hindi ko sila kailangan.'
Naglakad ako palayo at sa sobrang lalim ata ng iniisip ko ay may nabunggo ako.
"I-I'm sorry.." I apologized. Nilingon ko ang nabangga ko at nakita kong nakatingin ito sakin, animo'y gulat na gulat siya.
'Ang oa ah?'
"O-Oh, Hyacinth. It's ok--"
"Yeah, Pierce. See you around." Pag-puputol ko sa sinasabi niya. Ang dami dami pa kasing sinasabi.
"W-Wait, Hyacinth!" I heard him shout. Lumingon naman ako.

BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
ContoKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...