Hyacinth's POV
"Hi, Hyacinth. I never thought you'd attend this party." Bahagyang nakangiti na sambit nito sa akin.
'Kahit ako rin, Hindi ko akalaing pupunta ka rito, Pierce.'
"Yeah. Kailangan ko kasi pumunta kay Principal Pior." Sagot ko.
"Mukha nga. You're not wearing a dress. Attending the party wasn't your purpose. Kaya nakaganyan ka lang." Natatawa pa siya ng kaunti habang sinasabi niya iyon.
"Yeah. I gotta go now, Pierce. See you." Sambit ko at umastang aalis na pero agad agad na may pumigil sa akin. Nakita kong hawak ni Pierce ang braso ko.
'Ano na namang kailangan niya? Tss.'
"Kahit nakaganyan ka, ang ganda mo pa din, Hyacinth."
***
Hedeiva's POV
Nanatili akong nakatingin sa eksena nila sa gitna. Sa lahat ba naman ng pwedeng daanan ni Hyacinth, bakit sa gitna pa?
Hindi ko alam kung iiyak ba ako o mananatiling walang pakialam sa nakikita ko ngayon. Naguguluhan ako. Merong parte ko na gustong pumunta roon at batiin si Pierce para tumigil ang eksena pero merong parte ko na sinasabing hayaan nalang dahil wala naman akong karapatang pigilan ang kung ano mang nangyayari sa kanila.
Nasaktan ako, oo. Sa paraan ng pagtingin ni Pierce kay Hyacinth.. nasaktan ako. 'Yung tingin niya na para bang 'yung kausap niya ay 'yung taong pinakaimportante sakanya? 'Yung taong pinakamamahal niya? Masakit, oo masakit, pero anong magagawa ko? Alangan magreklamo ako? Alangan bigla ko siyang sigawan at sabihin sakanya na 'nasasaktan na ako! itigil mo ito! akin ka lang! aylabyu!'.
Hindi naman ako 'yung tipong tao na desperada. Alam ko ang lugar ko. Alam ko ang posisyon ko. Alam ko kung hanggang saan lang ako. Hindi dapat ako mag-demand ng mga bagay ng basta basta lang. Dapat kapag magdedemand ako, doon sa tipong tao na alam ko ang ilulugar ko, sa tipong tao na alam kong may halaga ako, sa tipong tao na alam kong mahal ako.
Madali akong ma-attach, yes inaamin ko 'yun. Kaya ayoko sa lahat ay 'yung napapalapit ako sa mga taong alam kong pansamantala lang. Sa taong alam kong iiwan lang din ako. Kasi ang ayoko sa lahat ay ang maiwan. Hindi ko kayang mag-isa, I hate the feeling of being alone and I hate being alone. Kasi feeling ko wala ng may pake sakin. Wala ng tao na nandiyan para sakin. I feel like the whole world left me.. alone.
Nanatili pa din akong nakatingin sakanila. Nakita kong paalis na si Hyacinth pero muli siyang pinigilan ni Pierce. He said something.. and I know that, that something is something I shouldn't know.. because if I knew what it was.. alam kong manghihina ako, babagsak ang luha ko, mabibigo ako at higit sa lahat.. masasaktan ako.
Masasaktan ako na tipong gusto ko ng mamatay, Masasaktan ako na tipong gusto ko ng sumuko, Masasaktan ako na tipong ayaw ko ng ipagpatuloy.. ang pagmamahal.. sa taong wala namang pake sa akin.. ang pagmamahal na walang ginawa kundi ang saktan ako.
Ayokong masaktan ako ng sobra, kasi alam kong kapag nasaktan ako ng sobra.. magbabago ako.. magbabago ako na tipong hindi na ako marunong magmahal.. magbabago ako na tipong wala ng 'pagibig' na nag-eexist sa mundo ko, Mawawala sa dictionary ko ang salitang pagibig. Kasi 'yang pagibig na 'yan ay walang ginawa kundi ang manakit at magpaasa.
Gusto kong mainis kay Hyacinth dahil sa nakikita ko ngayon, Gusto kong kamuhian siya at putulin ang namamagitang pagkakaibigan namin. Pero hindi ko magawa. I know na wala siyang alam rito, hindi siya aware sa mga ganitong bagay, I never saw Hyacinth fall in love. Sa tagal naming magkasama.. hindi ko pa siya nakikitang nagmahal. Hindi ko pa siya nakikitang mabaliw ng dahil sa isang lalake. Kaya kahit gusto kong mainis sakanya hindi ko magawa, kasi alam kong ni isa sa mga nangyayaring ito ay wala siyang sinadya.
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
Short StoryKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...