Hyacinth's POV
Nagbihis na ako at lahat lahat. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto.
'Hah! May exam pala ngayon!'
Hindi na ako nagabala pang pansinin ang nangyayari sa baba at dirediretsong nagtungo sa baby ko.
"Mwahahaha! Nakakamiss ka din pala?" Sabay yakap ko rito.
"Abnormal ka ba?" Narinig kong tanong ng kung sino.
'Well, yakap yakap ko kasi ang kotse ko.. maybe.. oo?'
At dahil bukas ang malaking gate namin. Nakita ko doon ang pinakapanget na nilalang na nakita ko.
'Ano na namang ginagawa niya rito?!'
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala pong yelo dito." Sambit ko sabay irap.
"Sungit mo, ah! Ehem! Fyi, napadaan lang ako! Ilang bahay lang ang layo ng mansion niyo sa amin!" Pagrarason nito.
"Sus! #Palusot.com ka pa! Alam ko namang crush mo ako at inii-stalk mo ako!"
"Wow lang, ah? Kailan ka pa naging assumera, Hyacinth?" Tumatawag tugon ng gago.
"For your information, Mister Silvestre. Hindi ako assumera! Sinasabi ko lang ang totoo." Sabay irap ko pang muli.
"Tsk tsk. Tutal nakaayos naman na ako at dala ko na ang gamit ko. Pwede ba akong sumabay? Ako magdadrive kung gusto mo?" Sambit niya.
'Aba! Anong akala niya? Chicks siya? Hindi pwede 'no!'
"Walanjo! Kapal mo naman! Yaman yaman mo! May kotse ka! Pumasok ka mag-isa mo!" Sigaw ko at pumasok na ng kotse ko.
Astang aandar na ako paalis nang bigla naman siyang humarang sa harapan.
Binuksan ko ang bintana at sinamaan siya ng tingin.
"Nababaliw ka na ba, Maxemore?!" Sigaw ko rito.
'Gigil ako sayo ah!'
"Sabay na ako, please! Grounded ako! Ayaw ako pagamitin ni Mommy ng kahit na anong technology-related na bagay! Huhu! Maawa ka sakin, Hyacinth! Tao lang din ako, pakiuㅡ"
"Shut up and get in my goddamn car! Damn it!" Galit na galit na sigaw ko.
His face immediately lit up. Ngiting ngiti siya at agad na sumakay sa likod.
Napakunot ako ng noo at talagang nagiinit ang dugo ko sa nilalang na 'to. Hinilot ko ang sentido ko. Pilit na kinakalma ang demonyo sa loob looban kong gusto ng sakmalin ang lalakeng 'to at ibitin patiwarik. Bago ko pa mapatay 'tong lalakeng 'to, inhale, exhale.
"At pagmumukhain mo pa talaga akong driver, Silvestre?!" Sigaw ko sakanya.
Natawa lang ito at bumaba para lumipat papunta sa front seat.
"Sorry na po, Madam Hyacinth." Sambit ni Maxemore.
Inis kong pinaandar ang kotse. As usual, nakakamatay talaga akong magdrive..
"Ito na ba ang parusa mo sa akin, Montevilla?!ーwaaaah! Ayoko na! Mas mabuting katayin mo nalang ako! Hyacinth! Maawa ka! Papakasalan pa kita, oh? Mamahalin mo pa akㅡ"
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
Proză scurtăKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...