Chapter 13

61 2 0
                                    

Zircon's POV

Nakita kong in-edit ni Harricet ang bio at header niya sa Twitter. Aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot. Kasi ito na naman, mag-isa na naman ako. Wala na naman akong kasama, siya nalang kasi ang pinagkakalibangan ko. In short, Kaibigan ang turing ko kay Harricet. Alam kong niloko ko siya, pero hindi ko maitatanggi na kahit kaunti ay na-attach ako sakanya. I never felt something special, normal ang pakiramdam na nararamdaman ko tuwing kasama ko siya.

She's just my friend.

I had an urge to look at my clock. It's 6:12 pm. Kanina narinig ko ang sigawan sa baba, pati na rin ang mabilis na pagharurot ng kotse. Sigurado akong si Hyacinth 'yun, Mabilis magpatakbo ng kotse ang isang Hyacinth Lauren.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Sir Zircon, Kain na po."

"Coming." Sagot ko at binitawan na ang cellphone ko.

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ko, dumiretso na din ako sa baba. Nakita kong nakaupo na doon si Amethyst, Sapphire at Ladevine.

'Nasaan kaya 'yung dalawa?'

"If you're looking for Citrine and Hyacinth, Citrine's upstairs and Hyacinth is at her school." Sagot ni Ladevine habang kumakain siya.

'Minsan natatakot na din ako sa kanila, Bigla nalang silang nagsasalita, parang nababasa nila 'yung iniisip ko.'

"Kain ka na, Kuya Lazarus." Sambit ni Sapphire.

Bahagya akong ngumiti at nakita kong natigilan sila.

"K-Kuya...?" Nauutal na sambit ni Amethyst.

"What?"

"D-Did you just," tumigil siya at tinuro ako "Ngumiti ka ba?" Tuluyang tanong ni Ladevine sa akin.

"Yeah, why?"

'Kaya ayokong ngumingiti, nakukuha ko talaga ang atensyon nila kahit hindi sila nakatingin sa akin.'

"N-Nothing, it's just that.. nakakapanibago." Sagot ni Ladevine.

"I know. Shall we eat?" Sambit ko at tumango naman siya kaya umupo na din ako para kumain.

Natapos naman agad ako kaya nagpaalam na din ako sakanilang aakyat na pero natigilan ako nang magsalita si Ladevine.

"How are you and Harricet? Balita ko ay may relasyon kayong dalawa. Hindi ba't siya 'yung kaklase mong nakausap ko noong pumunta ako sa school mo?" Sambit niya.

Natigilan naman ako, paano niya 'yun nalaman?

"We broke up. And yes, siya 'yung kaklase kong nakausap mo."

"What?! Swerte ka na sakanya! Bakit pinakawalan mo pa? Ang alam ko ay siya ang pinakasikat na babae sa Fradavice, Wala akong makitang rason para maghiwalay kayo!" Sagot niya bigla.

'Alam kong ganun nga, pero wala akong pake. Hindi ako nakipagrelasyon sakanya ng dahil lang sa maganda siya. Nakipagrelasyon ako sakanya dahil mayroon siyang ugali na wala sa ibang babae. I find her unique. Though, hindi ko siya mahal.'

Nagulat na lamang ako at nakita kong pababa na ng hagdan si Citrine at seryosong nakatingin sa akin.

"You played her, didn't you? Ganyan ka naman diba? Pinaglalaruan mo 'yung mga babae! Pinaglalaruan mo 'yung feelings nila! Ganyan naman kayong mga lalake diba? Trip niyong paglaruan ang feelings naming mga babae! Mga walang puso! Mga manloloko! Walang kwenta! Let me tell you this, Zircon. One day, one motherfucking day! Mari-realize mo, mararamdaman mo lahat ng sakit na dinulot mo sa mga babaeng pinaglaruan mo. Mararamdam mo kung gaano kasakit ang magmahal. Gagantihan ka ng pag-ibig. Mararanasan mo kung gaano kasakit," tumingin siya sakin at tinuro ako, kita ko sa mga mata niya ang galit at inis sa akin "kung gaano kasakit ang hindi ka mahalin ng taong mahal na mahal mo." Huling sambit niya at padabog na naupo sa upuan para kumain.

Showing Fake Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon