Chapter 9

69 2 0
                                    

Citrine's POV

Sabado ngayon, pero andito ako. Nasa Park at nasa harap ko ngayon ang taong matagal ko ng mahal. Anong ginagawa ko dito? Wala.. nagpapahangin, kaso nagulat nalang ako tumatakbo papunta sa akin si West. Matagal-tagal na kaming hindi nagkikita, simula kasi nung nangyari sa amin lumipat siya ng school. Eh siguro nakita niya ako dito dahil malapit lang naman ang bahay nila sa bahay namin. Ayun kung ano ano na ang pinagsasabi.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanatili akong nakatitig sakanya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi. Diretso siyang nakatingin sa akin, animo'y talagang hinihintay niya ang isasagot ko sakanya.

Bahagya akong sarkastikong tumawa. Confusion was written all over his face. Naguguluhan siya sa inakto ko.

"Dapat ba akong matuwa dahil sinabi mong mahal mo ako? o dapat akong malungkot dahil alam kong hindi iyon totoo? or worst.. dapat ba akong maawa sa sarili ko kasi umaasa na naman ako sayo? Nakakatawa lang na dati mahal kita pero hindi mo ako mahal, pero ngayong nakalimutan na kita saka ka babalik at sasabihing mahal mo ako. Bakit, West? Kailangan mo na ba ako? Diba ganun ka naman? Kilala mo lang ako kapag kailangan mo na ako. Oo dati pumayag ako na laruin mo ako at nagpakatanga ako. Pero once is enough, West! Natuto na ako, at sana matuto ka na rin! Matuto kang magmahal ng totoo, 'yung walang halong biro, 'yung walang halong paasa! Kasi nakakaputangina ka!" Inis na inis na sigaw ko sakanya.

Nakita kong bumagsak ang kaninang nakataas na braso niya, Nawala ang ngiti sa labi niya at parang nawalan siya ng gana.

"Matagal na 'yun, Eunice. Dati lang ako gago. But please believe me. Mahal kita. Walang halong biro, Walang halong paasa. Mahal kita, Eunice. Please. Bigyan mo ako ng isa pang chance, I'll"

"'Yan naman lagi sinasabi niyong mga lalake kayo, Dati lang ako gago, Bigyan mo ako ng isa pang chance, I'll prove it to you and worst.. sinasayang niyo ang meaning ng salitang Mahal kita. Sana alam mo na sinasabi lang 'yan kapag totoong mahal mo ang isang tao, hindi pagpapanggap para lang makasakit. Napapagod na ako. Nakakapagod ng masaktan! Nakakapagod ng masaktan ng dahil sa iisang tao. Ewan ko ba! Isa ka lang pero napakalala ng sakit na ipinaparamdam mo sa akin! Ano ba 'to?! Ano ka ba?! Bakit mo ginagawa sakin 'to?! Bakit patuloy mo akong sinasaktan?! Bakit patuloy mo akong sinisira kahit sirang sira na ako?!" Hindi ko napigilan ang sarili kong emosyon. Isa lang ang gusto kong iparating sakanya pero gusto kong malaman niya ang nararamdaman ko.

"O-Oo.. Aaminin ko, West. Mahal pa din kita. Mahal pa rin kita, kahit ang sakit sakit na! Despite all of this, sa dulo mahal pa din kita. Kahit sinaktan mo ako. Kahit anong gawin ko, ikaw pa din ang mahal ko. Pero ayoko na! I hate the idea of loving you, I hate the feeling of loving you and I hate everything that involves me.. loving you! Gusto kitang kalimutan. Gusto kong kalimutan itong nararamdaman ko para sayo, Pero parang ang hirap! Parang bawal! Hindi ko magawa. Kasi kahit papaano.. minsan ka ding naging dahilan ng kasiyahan ko. I love you, even if you make me so sad. Mahal kita, kahit lagi mo nalang akong sinasaktan. Mahal kita, West. Mahal na mahal." Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa akin. Makikita sa mata niya ang panghihinayang, sakit, lungkot. Pero hindi ako naniwala doon. Ayaw kong maniwala. Ayaw kong umasang totoo iyon. Kasi baka kapag naniwala ako, masaktan na naman ako.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinila ako para yakapin ng pagkahigpit.

"I-I don't know what to say, Eunice. I-I'm so sorry. I'm so sorry.." Nagulat ako dahil ang lalim ng hinga niya at naramdaman kong basa ang balikat ko.

'U-Umiiyak ba siya?'

"W-West.." Tanging naisambit ko at lalong humigpit ang yakap niya.

Showing Fake Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon