Dear Trixie,
Mahirap mag-adjust kapag lumipat ka sa ibang lugar. Syempre, may iba't ibang degree 'yan. Kapag sa kabilang kwarto lang ang lilipatan mo, minor adjustment lang. Kapag naman sa ibang bahay, depende rin. Kung sa ibang town, city or whatever, ay mahirap 'yan. Major adjustment na 'yan. Marami kang maiiwan: 'yung school mo na doon ka na since kinder, 'yung classmates mo, friends, marahil pati family members, 'yung paborito mong park na pinupuntahan, 'yung paborito mong court na pinaglalaruan, 'yung bahay mismo na sobra mong mahal kasi doon ka na lumaki at doon mo na naitala ang height mo every year, 'yung kwarto mo na nagsilbing haven mo, 'yung unan mo na nagsilbing taga-absorb ng luha every night... marami. Sa ibang siyudad lang 'yan. Paano pa sa ibang bansa? Baka maiwan mo rin sa bansang pinanggalingan mo ang sarili mo...
But that's okay. Sabi nga nila, it's not always bad being lost, because maybe that's the time you'll find yourself. Well, now I tell you -- I hope you find yourself. Do yourself a favor and finish studying. Abutin mo ang pangarap mo. Don't give up, they say. Mahirap gawin pero sana magawa mo.
Hang in there, friend.
Tumigil ako sa pagsulat nung may narinig akong kumatok.
"It's time for breakfast, Miss Lakewood," said probably one of my dad's maids.
"Not hungry," reply ko. Nag-isip pa ako ng mga maaari kong sabihin sa aking long lost friend. Ngayon lang ulit kami magkikita. Well, hopefully, makita ko na siya. "Go away. Please," dugtong ko nung feeling ko nakatayo pa rin 'yung maid sa labas ng kwarto ko.
"Miss, it's an order from Master."
"You mean, my dad?"
"Yes, Miss."
I hope you get along with your dad, by the way. My dad just forced me to go with him here in some Plant City, and now he has all the guts to order me around, sulat ko bago ako tumayo at binuksan 'yung pinto. Sinamaan ko ng tingin 'yung maid.
"Your job is to follow orders?" tanong ko sa kanya na tuwid na nakatayo, nakalagay ang nakakuyom niyang mga palad sa harap niya, at naka-chin up. Dahan-dahan siyang tumango. "Well, you can take orders from me, right?"
"Of course, Miss."
"I don't want to eat and I don't want you here. So go away." Pumasok ako ulit sa loob ng kwarto ko at sinarado ang pinto.
I hope you don't hate your life as much as I do.
Nag-ready na ako sa pagpasok sa school. I just wore the first clothing I grabbed at tinawag si Butler para ihatid ako palabas ng bahay ng tatay ko. Or may I say, mansyon. Nagpahatid na rin ako papuntang school dahil baka mawala pa ako ngayong first day.
–×–
"What are you doing here? Didn't you know that you should line up in the gymnasium?" tanong nung isang babaeng naka-formal attire sa 'kin habang naglalakad ako sa loob ng Winchester Middle School.
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Teen Fiction13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...