"Can you tell me more about Jin, Auntie?" tanong ko kay Auntie habang namimili siya ng pwede kong maisuot para sa play sa English. And I asked her that question para naman sa isang project ko sa English. Dalawa kasi 'yung English subject, 'yung isa sa Reading. 'Yung project ay dun sa reading chuchu at 'yung play sa isa.
"Ipinanganak siya nung December 25, 2003. Habang nagce-celebrate sila ng Christmas, ako nandoon sa loob ng kwarto, umiire."
Natawa ako sa sinabi niya. Ang kulit talaga ni Auntie. Buti na lang nagmana si Jin ng ka-jolly-han.
"Pero saan po siya pinanganak? Dito, sa Pilipinas o sa China?"
"Sa Pilipinas. Never pang nakapunta 'yun sa China at pumunta lang kami dito sa America nung 10 siya."
"Ah okay po."
Marami pa siyang kinwento about kay Jin—mga funny moments niya nung bata siya, mga birthday wishes niya, mga naging kaibigan niya. Sana lang maalala ko lahat ng 'to para masulat ko mamaya.
The next day, andito ulit ako sa bahay nila Jin para maayusan. Mamaya na ang play at excused na kami whole day para maayos namin ito. Nagkakabisado ako ng lines habang ibini-braid ni Auntie ang buhok ko. Pasalamat talaga ako na gustong-gusto ni Auntie na magkaroon ng anak na babae kasi kung hindi, ako ang mag-aayos sa sarili ko o hihingi ako ng tulong kay Asher. Ano na lang ang magiging hitsura ko nun?
"Romeo, Romeo, where art thou, my Romeo?" bulong ko.
"Sino namang Romeo mo, pretty Juliet?" tanong sa 'kin ni Auntie.
"Um, Kiefer po ang name niya."
"Ooh talaga. Pogi ba?"
"Um a-ano po, o-opo naman p-po, Filipino din siya." Shet, nahiya ako bigla sa sinabi ko!
"Pure Filipino?"
"Opo."
"Oh nice. Bihira ang pure Pinoy dito eh. Kadalasan may hati. Si Jin nga tatlo eh."
"Diversity po 'yun."
Siya naman ang tumawa. "Oo nga eh. Siya nga pala, ano bang role nun? Kanina pa nagpapagwapo 'yun eh!"
"Sundalo po."
"Naku, sundalo lang pala. Nagpapa-pogi pa. Siguro dahil aayusan ka ngayon."
"Ha? Bakit naman po?"
"Eh crush ka kaya nun!"
"A-ano po?"
"Ay nako, nako po 'yung bibig ko! Di ko napigilan! 'Wag mo na lang sabihin kay Jin na sinabi ko sa 'yo ha?"
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Genç Kurgu13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...