Optimism is one of Jin Chiong's best qualities. He always looks for the positive side of everything. Kahit nga sobrang sama na ng mundong kinagagalawan natin, naniniwala pa rin siya na maganda ito dahil mayroong mga taong mabubuti ang kalooban at may kakayahang mapabuti ang buhay ng iba.
Jin and his friends met a guy just like that, pitong taon na rin ang nakalilipas.
"Hey Chiong-go! Anong menu natin for today?" Inakbayan ni Asher Rivera, isa sa matalik niyang kaibigan, si Jin habang siya'y nagluluto.
"Favorite niya," nakangiting sagot ni Jin sa kaibigan.
"Carbonara?"
"Yep."
"Wow, magugustuhan nga niya 'yan." Napangiti naman si Jin sa sinabi ni Asher. "O sige, iwan muna kita. Tulungan ko lang si Pia maghanda ng gamit. Be right back!"
Si Jin, Asher, at ang girlfriend ni Asher na si Sophia ay pupunta sa isang event na dedicated sa mga batang may heart disease. Nalalapit na kasi ang Pasko kaya maraming event ang mga childcare foundations, and they happen to be volunteers in one.
Nagagalak silang tumulong sa mga batang may sakit, at sa tuwing may napapasaya sila, they remember that guy. The guy they met seven years ago.
Na-diagnose ang lalaking yun na may mga butas na kasing-laki ng 5 centavo coin sa kanyang puso nung siya'y tatlong taong gulang pa lamang. Tinulungan siya ni Terrence Lakewood, isang sikat na businessman at philanthropist, na makapunta sa Florida para ma-opera-han ang puso niya.
There occurred a series of operations. Tumagal ito ng halos labing-isang taon. It was a miracle that he survived those operations kasi hindi biro ang mga yun. Pero ang nakalulungkot na pangyayari, he passed away before his last operation.
Isang malaking dagok para kila Jin ang pangyayaring yun. Mahalagang-mahalaga para sa kanila ang lalaking yun. Nung nawala siya, parang nawala din ang malaking bahagi nila kasama niya. Pero... hindi naman talaga siya nawala.
"Uy bagalan mo nga Rivera! Isusumbong kita kay Kiefer!" saway ni Sophia kay Asher dahil ang tulin ng huling magpatakbo ng kotse.
"Uy huwag! Eto na nga oh, babagalan na."
Natawa na lang si Jin na nasa backseat sa usapan ng dalawa. Alam niya kasi na kung buhay pa si Kiefer papagalitan niya si Asher dahil hindi ito nag-iingat.
Haaay.
Si Kiefer. Kiefer Jacinto. The guy who changed their lives for the better.
Maaaring wala na siya sa mundong ito... pero hinding-hindi siya mawawala sa puso ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Kaya nga nung makarating ang tatlo sa lugar na pagdadausan ng event, siya agad ang unang naisip nila. Siya ang nakikita nila sa mga bata na naroon, mga batang may heart disease pero punong-puno ng pag-asa ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Teen Fiction13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...