"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?!" nailayo ko sa tenga ko 'yung phone dahil ang sakit sa tenga ng sigaw ni Sophia.
"Kapag ba sinabi ko sa 'yo, mababago mo ang nakita ko?" di ko maiwasang mahaluan ng bitterness ang boses ko.
"Ano ba, Chichi! Tito is a businessman! Natural lang sa kanya na may makausap na mga babae! Maybe you're just overreacting!"
"You don't know what I saw, okay?" huli kong sinabi bago binaba 'yung phone. Di ko kayang magalit sa pinsan ko. Di dapat ako magalit sa pinsan ko...
But I'm not overreacting. Oo, natural lang kay Dad na may kasosyo siyang babae... pero hindi natural na nagyayakapan na sila.
Tumayo ako sa inuupuan kong kama at nagpatalon-talon para maalis sa isipan ko 'yung panget na pangyayaring nakita ko.
Dad hugged a woman; a woman that's not my mother. Tell me, Sophia, am I overreacting?
Nung napagod ako kakatalon, napasalampak ako sa sahig. Niyakap ko ang mga tuhod ko. I want to shout but I can't. Nasa bahay ako nila Asher, I should restrict myself. I also want to cry but no tears are falling. I don't get it. Kapag malungkot ang isang tao, umiiyak siya. Why am I not crying?
May kumatok sa pinto. "Ate Trixie, tawag ka ni Kuya Asher. Nasa sala siya, puntahan mo na lang," it was Asher's little sister, Ashley. Sa katunayan, andito ako sa room niya pero kailangan niya pang kumatok. Napakawalang-hiya ko naman. Binuksan na niya ang pinto. "Ate Trixie? Nagagalit na si Kuya Asher, ang tagal mo raw." Demanding talaga.
"Okay sige, puntahan ko na si Asher."
Asher. Ang ganda ng pangalan na 'yun, bagay na bagay sa best friend ko. It means happiness. Asher is a happy person.
Sophia. I nicknamed her 'Happy' because she's always happy. Sophia is a happy person.
Jin. He's the most optimistic guy I know. Sad people can't be optimistic as he is. Jin is a happy person.
I'm surrounded by happy people... but why can't I be happy like them?
Nagpaikot-ikot ako sa bahay nila Asher hanggang sa makarating ako sa sala. Matagal-tagal rin, pero at least nahanap ko. Dun sa mansyon ni Dad, buong araw kong hinanap 'yung kitchen pero di ko pa rin nakita. Di ko alam tuloy kung sino ang sisihin ko, ang kapalpakan ko ba sa directions o ang pagkalaking-laking bahay ni Dad. Maybe it was the house. I hated there.
"Oh, mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa." Ang ganda naman ng salubong sa 'kin ni Asher.
Tumayo siya at pinatong ang isa niyang kamay sa ulo ko. "Okay, Beatrix Alyssa L. Lakewood, dahil ito ang una mong pagkakataon na makadalaw dito, kailangan mong alamin ang mga batas sa loob ng tahanang ito," sabi ni Asher. Batas? Sa bagay, wala nga pala palagi ang nanay at tatay niya sa bahay dahil sa work kaya siguro hari-harian ang peg niya. "Rule number one. Ako ang nasusunod dito."
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Novela Juvenil13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...