I don't know which part of school this is. Basta ang alam ko lang ay nakasalampak ako sa sahig at puro sapatos lang ang nakikita ko. Iba't ibang sapatos na ang dumadaan—may Adidas, may Nike, may Skechers, at iba pa na di ko alam ang brand.
Isang pares ng sapatos ang nakakuha ng atensyon ko. It has all the details I wanted: red and black ang kulay, Nike, high-cut, maganda. Feeling ko nga nakita ko na 'yun before eh. Di ko maisip, dumaan lang kasi bigla.
Hm, saan ko nga ba 'yun nakita?
Dumaan ulit sa harap ko 'yung pares ng sapatos na 'yun at tumigil pa sa harap ko. Parang inaasar ata ako nito eh. Ay nako. Oo na, ako na ulyanin! Di ko matandaan kung saan ko nakita.
"You look familiar." Huh? Sino 'yun? Inangat ko ang tingin ko at parang nabanat 'yung muscles ko sa leeg sa ginawa ko. Tangkad naman! "You look so familiar," sabi ulit nung matangkad sabay ngiti nang malawak. "I wonder where I've seen you..."
Same, Kuya. I was also wondering where I saw your shoes.
"Ah!" nagulantang ako sa biglaang pagsigaw niya. Pakibabaan naman 'yung volume ng boses, Kuya. Kagulat eh. "I remember! I saw you in the gymnasium! You were in line! That's where I started to think where I've seen you 'cause you look so familiar to me. It's like when I see you, some of my memories came rushing back."
Okay?
Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin. Tinanggap ko naman ito at inalalayan niya akong tumayo. Now, I can see Kuya's face clearly. At... oo nga. Pamilyar nga.
Inilahad niya ulit ang kamay niya, but this time, to shake hands. Tinanggap ko ulit ito. "Asher," said he then smiled.
"Trixie," pagpapakilala ko sa sarili.
"Sabi na nga ba eh. Nice to see you again, best friend."
Just like him, my memories came rushing back too.
–×–
"Trixie, may sasabihin ako sa 'yo," sabi ni Asher habang naglalakad siya sa ibabaw ng benches sa playground ng Golden Elementary School.
"Ano na naman? Na panget ako?"
Natigilan siya sa paglakad. "Hindi ha! Iba 'to! Alam mo naman na 'yun eh." Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumawa siya saglit pagkatapos sumeryoso na ang mukha niya.
Umupo siya sa isang bench katapat ng swing na kinauupuan ko. "Trixie, di ba tinanong tayo ni Teacher Mary kanina kung ano ang pangarap natin?" Tumango ako. "Pangarap kong sumali sa isang basketball team!"
"So?" di ko ma-gets kung bakit sinabi niya sa 'kin 'yun. Edi sumali siya! Para namang may magagawa ako para pigilan siya.
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Novela Juvenil13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...