Kagagaling lang ni Dad sa hospital para bisitahin si Kiefer at ngayon, dinala niya ako sa isang ice cream shop—the same ice cream shop na pinagdalhan ni Kiefer sa 'kin dati. Sabi niya ililibre niya daw ulit ako eh. And since di naman lumalamig dito sa Florida kahit winter na, pumayag rin ako. Sino naman bang tatanggi sa libre?
"What flavor do you want?" tanong niya sa 'kin. "Do you still want your usual one?" pahabol pa niya.
"What's my usual one?"
"You were so addicted in ice creams, chocolates and all the sweet things before. Don't tell me you don't remember that."
"Well, I kinda forgot." Or more like nung umalis ka sa buhay ko, kinalimutan ko na ang lahat ng iyon. "You know what, let's just go to a coffee shop or something."
"Oh come on, I'm in the mood for ice cream. I'll just buy your usual one."
"Bahala ka."
Come to think of it, simula nung nawala si Dad, unti-unting nasira 'yung buhay ko. I hated anything sweet since then. I hated Math, his favorite subject and my once favorite subject. And I'm always lost, literally and figuratively. I despised my childhood. Lumipat ang pamilya ni Asher dito at di na bumisita si Sophia pagkatapos lumipat ni Dad dito kaya I had no friends. Ngayon ko lang na-realize na kahit naman doon lang ako sa Pilipinas, malungkot pa rin ako.
I hated Dad.
Sinisisi ko siya sa kapalpakan ng buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit masaklap ang buhay ko. — This was the way I viewed things.
Sobrang malapit ako sa kanya noon kaya ang tindi ng epekto sa 'kin nung nag-away sila ni Mama. Wala pa akong maintindihan noon dahil ang bata ko pa, pero nung magsimula akong magkaroon ng muwang, unti-unting lumiliwanag ang mga bagay-bagay. Unti-unting kong nasilayan ang namumuong biyak sa pamilya namin. Unti-unting nabura sa family picture si Dad. And somehow, nakaka-adjust na ako sa pagbabagong iyon. Tapos dumating ulit siya at kinuha ako ulit dito. I never knew why he got me here. Pero sa lahat ng nangyari sa 'kin habang andito ako, nagpapasalamat ako. Kapag hindi niya ako dinala dito, hindi ako magiging ganto. Right now, I feel satisfied. I feel whole. Sure, I felt frustrated, confused and broken at first. Pero masasabi kong na-overcome ko na iyon. I'm a different Trixie now. I've changed.
I know ang laki ng pagkakamali ni Dad, ang dami niyang pagkukulang sa 'min. But I know better na ang dami ko rin namang pagkukulang sa kanya. I should've talked to him instead of judging him fast. All this time pala, sinusubukan niyang tulungan si Mama pero tumatanggi lang ito. At 'yung niyakap niya dati ay best friend niya pala at siyang tumutulong sa kanya sa kanyang negosyo.
Ang laki rin naman ng pagkakamali ko. Sobrang laki.
And it's still not late. We can still fix our mistakes. Little by little.
I smiled to myself.
My trip here in Florida isn't so bad, after all. Actually, mas napabuti nga ang buhay ko eh.
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Teen Fiction13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...