15 | almost

14 0 0
                                    


I hate that the people in my school are living their lives as usual. Okay lang sa kanila ang lahat. Parang walang problema. Kwentuhan dito, kwentuhan doon, tawanan dito, tawanan doon, asaran dito, asaran doon, plastikan dito, plastikan doon. Everything is freakin' normal for them. And I hate it. I hate that I can't be like them.


Kahapon, binigyan ako ng flier ng English teacher namin. Nagtaka ako kung ano 'yun. Na-feel ata ni Ma'am na wala akong idea kung ano 'yun kaya in-explain niya sa 'kin na may pupuntang taga-Disney channel isang araw dito sa Winchester para maghanap ng babaeng teenagers na gaganap ng lead role sa isang teen series. Kinda like Hannah Montana ganun. She encouraged me to join. If I was normal, nagtatatalon na ako sa saya. But to be honest, I don't know if I can do it. Nagpasalamat na lang ako kay Ma'am at sinabing pag-iisipan ko. Eto na 'yun eh, eto na ang chance na hinihintay ko. Wrong timing lang kasi di ko talaga feel ngayon. Isa lang ang nag-ookupa ng isip ko at the moment.


Sinulyapan ko ang upuan sa tabi ko. 'Yung nakaupo doon hindi na pumasok since nung na-confine siya sa hospital. Pilit kong binubura sa isipan ko 'yung sinabi ni Jin sa 'min ni Asher.


"Baka di na raw siya pumasok sabi ni Miss Sheila."


No way! Papasok pa rin siya! Ano 'yun, nag-drop out na siya? Hindi pwede.


Di ko maatim na dalawin siya. Ewan ko ba, gusto ko siyang makita ulit pero ayaw ko namang dumalaw. Ang boka, di ba? Pero kasi... di ko ata kayang makita pa siya ulit na mahina at nakahiratay sa hospital bed. Kaya 'pag inaaya ako ni Jin at Asher, lahat na ng klase ng palusot ginagawa ko. Kaya nga lang, mukhang naubusan ako ngayong araw.


Pagka-ring ng bell, dali-dali kong niligpit ang gamit ko at hinanap ang bodyguard na pinadala ni Dad para sa 'kin. Yes, balik mansyon na 'ko kasi nahiya na 'ko kay Asher at Ashley.


Nung mahanap ko ang bodyguard, lumapit ako sa kanya. Kinuha niya ang bag ko at dumiretso kami sa parking lot.


"Drive me home please. Now," natataranta kong utos sa driver namin nung nakita ko si Asher na sumusunod. "Step on the gas! Go!"


Tiningnan ko si Asher na tumigil na sa kanyang pagtakbo habang papalayo ang kotse namin. Sorry, Asher.


Nakahinga ako nang maluwag nung makauwi na ako sa bahay ni Dad. Sa wakas. Nagpahatid ako sa bodyguard hanggang sa kwarto ko at sinarado ko agad ang pinto pagkaalis niya.


Kung anuman ang nangyayari sa 'kin ngayon, di ko na maintindihan. Basta ang alam ko lang, di ko kayang maging katulad ng classmates ko na happy happy lang ang buhay. Humiga ako sa kama ko at hinayaang mag-seep in ang pagod sa sistema ko.


–×–


Naalimpungatan ako nung may narinig akong kumakatok. Inayos ko muna ang sarili ko at nagmumog kasi di ko namalayang ang tagal ko na palang natutulog.


Patuloy pa rin ang pagkatok.


"Who's there?" sigaw ko.

Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon