16 | relaxation

14 0 0
                                    



Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa may bintana. Hm, mukha pa rin namang araw 'yung araw. Anong bago? Why do I need to see the sun?


"Good morning, Alyssa!" nagitla ako sa lakas ng sigaw ni... Kiefer. "Alam mo, you should really choose your friends wisely. Jin and Asher attended practice and left me here to take care of you. Nasa taas lang ako na floor. They left a patient in the hands of another patient. What in the world is that?"


Pinabantay ako ni Jin at Asher sa kanya? Tiningnan ko ang hitsura niya. Nakita ko nang suot ni Kiefer dati ang t-shirt na kasalukuyang suot niya pero parang mas lumuwag ito ngayon. Pumayat siya lalo.


"Ano? Di mo ba ako kakausapin? Sige, alis na ako," akmang aalis na siya pero pinigilan ko siya sa braso niya. Shems, pumayat nga siya.


"Teka lang!" sabi ko at huminto naman siya. "Paano ako napunta dito?"


"Dito? Sa hospital? You were just 7 centimeters away from speeding death. Good thing you weren't hit. But you were very shocked that's why you lost consciousness for um," he counted with his fingers, "eighteen days."


"Eighteen?" Wow.


"Yes, sobrang na-shock ka eh. At least, that's what the doctor said. But I know may reason pa kung bakit."


Pinanliitan ko siya ng tingin. "What reason?"


He shrugged. "Well, maybe because you're too tired?" napalunok ako sa sinabi niya. He's right. "I know just the thing to cure that—relaxation," he flashed me a bright smile.


"Anong relaxation ang pinagsasa--"


"Ssh!" nilagay niya ang hintuturo niya sa tapat ng bibig ko. "Huwag ka masyadong maingay, baka marinig tayo ng nurses."


"What are you thinking, Kiefer?"


"Change your clothes. Your dad sent maids to bring you some damit. Check the closet."


"Oh-kay, then what?" Di ko talaga makuha ang gusto niyang iparating.


Binuksan niya ang pinto. "I'll wait here. Call me when you're done," sabi niya at sinarado niya na ang pinto.


Kahit di ko naiintindihan, ginawa ko ang sinabi niya. Nung tapos na akong magbihis, tinawag ko siya. "Kiefer!"


He held my hand. "Hinga ka muna ng malalim."


"W-what? Why?"


"Okay na? Nakahinga ka na? Let's go!"


Hinila niya ako palabas ng kwarto ko at tumakbo kami kung saan. Kapag may napapadaang nurse, magtatago lang kami tapos tatakbo na naman kami. Nung makalabas kami ng hospital, nagtago kami sa likod ng isang malaking puno habang hinahabol niya ang hininga niya. Tiningnan ko muna kung may makakakita sa 'min at nung masigurado kong wala tsaka ko siya hinarap. "Ano bang pumapasok sa isip mo ha?"

Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon