08 | first game

17 0 0
                                    


I don't want to think that it's the end of the world and that Owen and I will have a date this weekend, but the Wolves are behind by a fair amount of points.


Ewan ko kung anong nangyayari pero kanina nung first half, lamang na lamang sila pero ngayong second half, tambak na tambak na sila. 41-66 ang labanan. Sumasakit lang ang ulo ko sa subtraction pero alam ko malaking diperensya 'yun. I sighed. Pagod na ang players. Paulit-ulit na inilalabas-pasok sila ng Coach. Maging si Asher na nag-uumapaw ang energy, may energy gap na ngayon. Di nag-Milo o sadyang magaling lang ang kalaban?


"GO ASHER!"


O baka kailangang mas lakasan pa ni Sophia ang sigaw niya para tuluyan na akong mabingi? Bwiset na bruha 'to. Rinig na rinig ni Asher 'yung sigaw niya, oo. Abot hanggang kaluluwa ko eh.


Habang minamasahe ko 'yung tenga ko, nag-vibrate 'yung phone ko. Unknown number. Binuksan ko ang text message at halos masunog ang mata ko.


"Where do you want to eat this Saturday, dear? I have a list for you. Choose: Starbucks, Wendy's, Chili's, Karate Kid. Etc. You have a suggestion?"


Ugh. Di pa naglalaro si Kiefer. Watch and learn ka 'pag naglaro na si-- wait, asan si Kiefer? Kanina andun lang siya sa bench ha? San siya nagpunta?


"Insan, ilang minutes pa bago magtapos ang game?!" pasigaw kong tanong kay Sophia na hula ko, si Asher ang tinititigan.


"15 minutes na lang!"


Tiningnan ko ang score board. 49-73. In-open ko ang calculator sa phone ko at ini-solve. 24 points. Anyare, Wolves? Kaya niyo pa ba? Kasi ako, hindi na. Punong-puno na ng pag-asa si Anderson eh. Shems!


Kinakabahan na ako ng sobra. Kaunti na lang ang natitirang oras. Mananalo pa ba? 24 points, malaki-laki rin 'yun. Mga walong three-pointers rin ang kakailanganin. Pero teka, kaya 'yun ni Kiefer! Asan ba siya?


Nagkaroon ng substitution ang Wolves. 10 minutes left bago matapos ang game. Eight na three-point shoots within 10 minutes? Kung sa isang minute makaka-dalawa, kaya na 'yun. Huh, naging Math wizard ako bigla.


"Insan, di ba si Jay-seen-tow 'yun?" bulong sa 'kin ni Sophia habang nakaturo siya. Sinundan ko ang direksyon ng tinuturo niya.


Ah! Si Kiefer, maglalaro na!


Tumayo ako para i-cheer siya. "Go Kiefer!"


Ni-reveal ng jersey na suot niya ang mapapayat at namumutla niyang braso, pero kahit na mas nagmukha siyang walking skeleton, bagay sa kanya ang jersey. Bagay rin sa kanya ang smirk na binigay niya sa 'kin nung nahanap niya ako sa dagat ng mga tao. Bagay sa kanya ang game face, bagay sa kanya ang way ng paghawak at pag-dribble niya sa bola ng basketball, at kung paano siya lumusot sa mga kalaban at diretso sa ring. Smooth and graceful, para lang siyang sumasayaw at dumudulas sa pagitan ng players.


Bagay sa kanya ang maglaro ng basketball.


Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon