Tulo-laway na nanonood si Jin at Asher kay Kiefer habang naglalaro siyang mag-isa sa court. Ayaw ko na nga lang tignan eh kasi bawat tingin ko naman ay nasu-shoot niya ang bola. Kaya niyang i-shoot sa kahit saang anggulo, kahit sa labas ng three-point arc. Ang galing niya, bwiset. Tapos sasabihin niya sa 'kin na ayaw niya ng basketball? Liar!
Feeling ko naloko ako.
Umupo na lang ako sa isang bench sa may gilid. Kinuha ko ang phone at headphones ko at nagpatugtog ng rock music. Tinodo ko pa ang volume para wala akong marinig sa paligid ko.
Nakita kong nilapitan ni Jin si Kiefer nung matapos itong maglaro at nagpupunas na ng pawis. Nakangiti si Jin and I'm guessing na pinupuri niya si Kiefer. Si Asher naman lumapit din pero nakasimangot. Naiinis siguro kasi ang galing ni Kiefer pero hindi siya kasali sa team. Bakit nga ba di siya kasali sa team? Baka sakaling nanalo pa sila ng first place kapag kasali siya. Di naman maitatangging magaling siya maglaro eh. Sinungaling nga lang. Bwiset talaga.
Kiefer said something na nagpawala ng ngiti sa mukha ni Jin at mas nakapagpabusangot pa ng mukha ni Asher. He doesn't want to join their team. Affirmative.
Paalis na sana siya nung dumako ang tingin niya sa 'kin. O sa 'kin nga ba? Tumingin ako sa likod pero mga bleachers lang naman ang nakita ko. Naramdaman kong may bumagsak sa tabi ko. It's him, pabagsak siyang umupo. Hingal na hingal siya at kitang-kita ko 'yung beads ng pawis niya na tumutulo galing sa gulo-gulo niyang buhok. He looked so tired, too. Mukhang kanina pa siya naglalaro.
Naging mas malumanay 'yung kanta na nag-play. Sinilip ko ang title — "Your Guardian Angel" ng Red Jumpsuit Apparatus. Mas narinig ko tuloy 'yung malalalim niyang paghinga. Grabe namang hingalin ang isang 'to, parang mawawalan na ng hininga. Sinabayan ko ng kanta 'yung chorus part para di ko siya marinig.
"I will never let you fall, I'll stand up with you forever, I'll be there for you through it all, even if saving you... Ahh!"
Nagulat ko ata siya sa biglaang pagsigaw ko kasi napatingin siya sa 'kin. Lumapit ako sa bag ni Asher at kinuha 'yung bote ng tubig niya. Sorry Asher, wala ka namang sigurong energy gap at di ka madaling mapagod, ano?
Pagbalik ko sa bench, inabot ko 'yung bote kay Kiefer. "Here, drink this!" Buti naman at kinuha niya sa kamay ko 'yung bote dahil kung hindi, ako mismo ang magpapainom sa kanya! The hell, ano ba 'tong nangyayari sa 'kin?!
"Thank you," narinig kong sabi niya.
Nag-init bigla 'yung dugo ko. "Anong thank you ka dyan? May bayad 'yan! Bwiset ka, nakakakonsensya ka! Lalaro-laro kasi, walang dalang tubig! Ano 'yun, tanga lang?"
Kumurap-kurap lang siya. Sabi ko nga, di niya ako naintindihan. Binuksan niya ang bote at ininom 'yung lahat ng laman, straight. Pagkatapos niyang uminom, inabot niya pabalik 'yung bote. Iniwas ko lang 'yung kamay ko. "Anong gagawin ko dyan? Tapon mo 'yan!"
"Sungit!" sigaw niya tapos tumawa siya.
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Teen Fiction13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...