13 | hospital

21 0 0
                                    


What is Ate Karen doing here?


"Trixie, it's you. Buti nakadalaw ka," ngiting-ngiti sabi ni Ate Karen. I tried my best to smile kasi minsan na niya akong pinakitaan ng kabaitan, pero deep inside, litong litong lito ako. Anong ginagawa niya dito? "At sino naman 'yung mga kasama mo?"


"Ah, mga kaibigan ko po. Si Asher," hinawakan ko sa balikat si Asher tapos si Jin, "at si Jin po." Kinamayan ng dalawa si Ate Karen.


"Nice to meet you two. My name is Karen Jacinto." Tae, oo nga pala. Magkaparehas sila ng apelyido ni Kiefer! So relatives nga sila.


"Mom ka po ni Kiefer?" tanong ni Jin.


"Para na rin."


"A-ano pong ibig sabihin niyo sa 'para na rin'?" masyadong personal 'yung tanong ko but I badly want to know.


"Anak siya ng asawa ko. Anyways, pasok kayo," sabi niya sabay bukas niya ng pinto. Pumasok na si Jin at Asher kaya sumunod na rin ako. Pero iniisip ko pa rin 'yung sinabi ni Ate Karen na bale, stepmom ni Kiefer. Dammit, I really, really want to know more about him.


Nadatnan namin si Kiefer na nakahiga sa hospital bed at nagbabasa ng "The Fault in our Stars" ni John Green. May dextrose siya sa kanang kamay at merong naka-attach sa ilong niya na oxygen-something. Binaba niya ang libro niya then he lifted his gaze. He smiled at us.


"Son, you have visitors," sabi ni Ate Karen. Inayos niya ang upuan sa gilid ng kama. "Pasensya na kayo, isa lang ang upuan. Si Trixie na lang ang paupuin natin ha?"


"Okay lang po," sabi ni Jin.


"Thank you po," halos pabulong ko nang sabi nung makaupo ako. She smiled kaya alam kong narinig naman niya.


"Maiwan ko muna kayo saglit ha. May nakalimutan kasi akong bilhin." She turned towards Kiefer at hinaplos niya ang buhok nito. "Anak, tawag ka lang 'pag may nararamdaman ka ha."


"Okay, Ma."


I want to know him pero parang di ko naman kinakaya ang nalalaman ko.


Nakakailang na katahimikan ang bumalot sa 'min. Nagpapakiramdaman kaming tatlo kung sino ang unang magsasalita. Tiningnan ko si Jin. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at umubo ng konti para siguro makuha ang atensyon ni Kiefer. He cleared his throat. "Uhm... Kief. Kumusta ka? What happened?"


"Oh, I just collapsed. I'm fine."


"That's good to hear. I mean, that you're fine," sabi ni Asher at tumango-tango naman si Jin.


Fine? Fine siya sa lagay na 'yun? Ilang araw siyang wala! Di nga siya sumipot nung play tapos fine lang pala siya. Alam kong di dapat ako nagagalit sa kanya pero nakakatampo lang kasi. Excited pa naman akong maka-partner siya...

Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon