05 | complicated

28 3 0
                                    


Ang kumplikado talaga ng Math! Just like life...


"This is just easy. You just have to substitute x with 5."


Tinitigan ko 'yung Math homework namin. "All the x?" Medyo natigilan si Kiefer pero tumango naman siya kaya binura ko lahat ng x na nakita ko sa papel, kahit 'yung nasa mga sentences.


"No, no, no! I mean, all the x's in problem number 1!" Ano?!


"Sabi mo all x!" tinaasan ko na siya ng boses. Nakakabwiset na kasi eh. Sabi niya kasi lahat ng x! Sinusunod ko lang naman siya.


"Sabi ko all x's in number 1!" aba't tinaasan rin ako ng boses!


"Why are you shouting at me?!"


"Because you're shouting at me!"


"You're the teacher here! You should be patient!"


"You're the student here! You can't shout at the teacher!"


"Ahhhh!" I shouted in frustration. He's just as complicated as the subject he's teaching.


Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa ice cream shop. Bakit ba kasi dito ang napili niyang tambayan? Magsisigawan lang pala kami.


Kinuha niya ang papel ko at binura lahat ng bura ko. Buti pala lapis ang gamit ko. Pagkatapos niyang burahin, nilapag niya ang papel sa harap ko. "Okay, I'm sorry. Maybe you're just tired... even though we're just starting to answer the first problem." Nagpapaka-sarcastic ba siya? Hay ewan.


"I told you, I'm not good at this," halos pabulong ko nang sabi. Ayoko nang sumigaw, nakakapagod. At tsaka nakakahiya na rin sa ibang customer, baka paalisin pa kami.


"I know. I said, I'm sorry," poker face niyang sabi. Di ko tuloy alam kung sincere siya o ano.


Mahabang katahimikan ang pumagitna sa amin. Pasulyap-sulyap siya sa menu na nasa harap namin. Di pa kasi um-order, halata namang gusto niya ng ice cream. Siya ang nagsabi na dito kami mag-tutoring kuno sa ice cream shop, of all shops. Pwede namang sa coffee shop na lang o sa isang fast food chain pero sa ice cream parlor pa talaga ang nais. Sa bagay, ayos na rin kasi malamig dito, unlike sa labas na ayaw patalo sa init ng impyerno.


"Do you want ice cream?" tanong niya.


"No, why?" Mukhang nagitla siya sa sinabi ko. What's with the face? Ice cream is for kids. Technically, 13 is not a kid anymore.


He shrugged. "Wala lang. I want one."


"Then buy."


"I don't have money. I thought ice cream here is cheap," he said then he puffed some air. Para siyang bata, nakakairita!

Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon