11 | dream

28 0 0
                                    



I was about to go inside Asher's house pero natigilan ako nung narinig kong may iba siyang kinakausap.


"Ano? Naisipan niyo ring umuwi?"


Oh, it was his parents.


I turned around and walked outside again. They need time to have a family bonding, na minsan-minsan lang naman mangyari kasi busy ang parents ni Asher sa work.


Naglakad-lakad na lang ako kahit saan na dalhin ako ng mga paa ko. Bukas na lang ako babalik kila Asher. Ay! Nga pala, may pasok bukas. Paano na ako nito?


Kinuha ko ang phone ko at in-open ang GPS. Naghanap ako ng pwedeng mabilhan. Oh-kay, malayo-layo pa dito ang nearest Walmart. Wala bang tricycle or what na pwedeng masakyan dito?


"Hey, are you lost?" narinig kong sabi ng nasa likuran ko. Tumalikod ako at nakita ang isang babae na nasa early 30's siguro. Nakasakay siya sa isang bike. Di ko masyadong maaninag 'yung mukha niya kasi madilim na.


"Um, no. I was just looking for a convenience store or something to buy stuff."


"I figured because you were looking at a map. Well, I'm going to Walmart. Want a ride?"


"Really?"


"Yeah sure. Sakay ka sa likod ko."


Nagulat ako. "Filipino po kayo?"


Tumawa siya sa naging tugon ko. "Yes, at kilala kita."


"Talaga po?"


"Ikaw ang anak ni Mr. Lakewood, di ba? Kumusta na nga pala siya? Siya 'yung tumulong sa 'min para makapunta dito eh."


I almost rolled my eyes. Well, paminsan-minsan tumutulong 'yun sa mga nangangailangan, nagfi-feeling anghel eh ni sariling pamilya niya di niya mapadalhan ng pera. Ano kaya 'yun?


"Oh well, kumusta siya?"


Ay, tinatanong niya nga pala ako. I cleared my throat. "Um, he's doing fine."


"That's nice to hear. O sige, tuloy na lang natin ang usapan natin 'pag nakasakay ka na."


Nagkwento-kwento lang siya all the way papuntang Walmart.


"My name is Karen, nga pala."


"Karen," I repeated. That's a nice name.


"Yes, Karen. Karen Jacinto."


Oh? Parehas sila ng surname ni Kiefer? Magkamag-anak?

Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon