Nung first day ko sa eskuwelahang ngayon ko lang mapupuntahan at makikita, I saw him. Kaklase ko siya sa Math. May nag-agawan ng upuan para sa 'kin (di ko alam kung bakit) at naroon siya, isa sa mga nagmamasid.
Masayahin siyang tao.
"Oy Trixie! Di ka naman nanonood eh!" sigaw sa 'kin ni Asher na nagpatigil sa 'kin sa pagsusulat. "Nag-shoot ako eh, di mo naman nakita!"
"Chamba lang kasi!" pagsali ni Jin.
"Di 'no! Magaling lang talaga ako!"
"Pasikat ka lang!"
Mahilig mang-asar sa best friend kong si Asher. Close na close sila, parang feeling ko sila na nga ang mag-best friends eh, pagpatuloy ko sa pagsulat. Sinisimulan ko na ang project sa English para madali na lang ayusin at i-translate bago ang winter break.
"What are you two talking about?" tanong ng coach nila sa kanila.
"Nothing, Coach," awkward na sagot ni Asher.
The coach sighed. "Okay, guys. It's getting late. Go home now."
"Yes!" sabi ni Jin kaya tiningnan siya ng masama ng coach. Nginitian niya na lang ito at pumunta siya sa 'kin.
"Trixie, happy birthday. Sama ka sa 'min ni Ash. Kain tayo," nakangiti niyang sabi.
He loves to smile.
"What's that?"
"Project sa English."
"Ay oo nga pala! Wala pa 'kong susulatan! Ikaw na lang kaya?"
"'Wag na, may magsusulat na para sa 'kin," sabi ko tsaka tinago na ang sinusulat ko.
"Pwede naman siguro 'yun. Sino pa lang magsusulat sa 'yo?"
"Hey, hey, hey! Tara na!" singit ni Asher. Ah, a great way para maiwasan ang tanong ni Jin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa bahay, ipagluluto kita," sabi ni Jin at hinawakan niya ang kamay ko. "Tara?"
"Okay."
Hinawakan naman ni Asher ang kabilang kamay ko. Binawi ko ito. Tiningnan niya ako nang masama. "Oh ano? Si Jin pwede tapos ako hindi? Siya na ba bagong best friend mo?"
Binawi ko rin ang kamay ko kay Jin. "Okay na, Asher?" sabi ko. Nauna na akong maglakad sa kanila.
"Ikaw kasi eh, epal epal mo!"
"Oh bakit? Ikaw lang pwede? Okay na 'to para patas tayo!"
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Teen Fiction13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...