18 | kief's birthday

27 1 0
                                    


"Hintayin natin siya ng 24 hours. 24 hours pass and he didn't fetch you here, you're staying," sabi ni Kuya Ashton. Nasabi ko na sa kanila ang problema ko kay Dad na dahil sa insidente naming dalawa ni Asher, I realized walang mangyayari kung di ako mag-o-open up. At dahil si Kuya Ashton lang naman ang legal age dito at mature na mag-isip, siya ang pinagsasalita namin. Ang sinasabi niya, kapag raw di pumunta si Dad dito at sunduin ako within 24 hours, di ako uuwi doon at dito na lang titira. Sounds good to me.


"Tama, tama! Minsan pala nakakaisip ka ng matino, Ashton!" at minsan sumasabat si Asher.


"Ang tagal naman ng 24 hours, Kuya!" at si Ashley.


"Isang araw, oh ayan! 'Yun din 'yun!" sabi ni Asher. Edi wow, Asher.


"Talaga?"


"Oo! Aral aral din kasi, Ashleng!"


"Malamang alam ko 'yun, Kuya Asher! Ikaw ang mag-isip!"


"Aba! Bastos kang bata ka! Eh 'yun nga ang lagi kong ginagawa! Napapagod lagi ang utak ko sa kakaisip."


"Oh talaga?" bulong ni Jin sa tabi ko. I bit my lip para pigilan ang pagtawa.


Binatukan ni Kuya Ashton si Asher.


"Aray! Wala kang karapatan na batukan ako!"


"Umayos nga kayong dalawa. Pinag-uusapan natin si Trixie dito eh. As I was saying, dito ka lang Trixie. Kapag hindi ka sunduin ni Tito Terrence, it means na--"


"Wala siyang paki sa 'kin," dugtong ko. Tumingin lang silang apat sa 'kin. I smiled at them. "Okay lang, sanay na 'ko."


Ipinatong ni Jin sa ulo ko 'yung isa niyang kamay. Si Asher naman, lumapit sa 'kin at inakbayan ako. He smiled then pinched my nose. "We're always here for you. Si Tito Terrence, isa lang 'yun. Kami, um ano, madami." Tiningnan niya si Jin. "Ilan ba tayo?"


"Apat?"


"Lima kami."


"Bakit? Dalawa ang bilang mo?"


"Ulol! Kasama si Kiefer!"


"Anim! Sama mo na rin si Ma." Si Auntie.


"Pito, pati 'yung nanay ni Kief." Si Ate Karen.


"Walo."


"Sino pa, Jin?" nginitian ko siya.


"Si Miss Sheila?"


"Weh? 'Wag na 'yun, pito na lang," sabi ni Asher.


Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon