Umabot na sa sukdulan 'yung kaba ko nung tinawag 'yung pangalan ko sa mic.
"Beatrix Lakewood, come on stage please."
Marahan akong tinulak ni Jin. Unsure akong tumingin sa kanila pero nginitian lang nila ako na para bang sinasabing 'kaya mo 'yan'. Niyakap ako ni Sophia, na kakarating lang galing sa kanyang school, saglit at tsaka binulungan na umakyat na raw ako. Dahan-dahan akong umakyat sa stage, naghihiyawan 'yung mga kaklase ko sa likod ko. Okay, thanks for the support pero parang mas lalo akong kinakabahan knowing na ang dami ko dapat na hindi i-let down.
Nung makatungtong na ako, parang gusto nang matunaw ng mga tuhod ko. Baba na lang kaya ako?
No, Trixie. Eto na eh. Aatras ka pa.
"Okay, show us what you got," sabi nung isa sa nagpapa-audition na babae. Marami-rami rin silang nakaupo nang pahilera sa harapan and oh my, they all look so classy and professional and geez! Walang scenario? A-anong gagawin ko? Name-mental block ako! What will I do? Mas madali sana kung may i-a-act akong scene, di 'yung freestyle na ganto!
"Miss, are you okay?"
What am I doing? I'm panicking, gaaah. I should calm down. Inhale, exhale.
"Miss, please get your mic. Introduce yourself first if you're not ready."
Lumunok ako at tiningnan 'yung mic na nakapatong sa mic stand. Shems, umiikot 'yung paningin ko. Pumikit muna ako para mapakalma ang sarili ko. Kalma, Trixie, kalma.
Lumapit na lang ako sa mic, trying hard to not fall to the ground sa sobrang nginig ko. Eto na ang pinaka-nakakakabang moment ko! Di ko alam na pwede pala akong maging ganto kabado!
"Miss, are you going to--"
"Y-yes, yes! I'm s-sorry!" I said, finally. Shemay ka talaga, Trixie! Pinapahiya mo sarili mo! Ano na lang sasabihin nun ni Queen Bubuyog at 'yung iba na walang tiwala sa 'yo? How can you prove yourself to them? Kalma kasi!
Okay, okay! Shete, kinakausap ko na naman sarili ko!
"It's okay! Now, please introduce yourself."
I heaved a deep sigh. "G-good m-morning! M-my name i-is Beatrix Alyssa L. Lakewood. 14. 8th grade."
"Cool. Are you ready to show us what you got now?"
I guess?
"Yes."
Inalis ko 'yung mic sa stand at nag-step back ako ng onti. Dahil hindi nila ako binigyan ng prompt na i-a-act, mag-iisip na lang ako.
I suddenly thought of Kiefer.
Then, I started to act, reminiscing all of our moments together.
BINABASA MO ANG
Heart Dribbler
Teen Fiction13-year-old Trixie Lakewood was forced by her father to go with him to the States, causing her to conclude that she just lives to hate her life with a fiery passion. She left herself in the Philippines. Nawalay siya sa kaniyang kinilalang pamilya at...