07 | pre-game

16 1 0
                                    


Humikab ako. Hay antok. Ang aga-aga naman kasi. I checked my watch. 4 o'clock, my goodness! Mamaya pang 7 ang pasok namin. Now I was having second thoughts kung tama ba ang naging desisyon kong mag-stay kila Asher. He's such a morning guy...


"Ang babagal niyo namang maglakad! Hayaku, hayaku!" sigaw niya mga ilang meters away mula sa 'min.


"8 pa pasok namin, God!" sigaw pabalik ni Sophia na naglalakad sa tabi ko. Pati siya nadamay sa pagiging earlybird ni Asher.


"Grabe, ngayon ka na nga lang naging maaga! Ayaw mo 'yun?" pagkasabi niya nun, nagsimula na ulit siyang maglakad.


"I want to sleep," groggy kong sabi.


"Tulog ka na lang mamaya sa klase niyo," sabi ni Sophia.


"Napaka-good influence mo naman, insan."


"Of course! 'Yun ang gagawin ko eh." Wow. "Ano ba kasing meron dun sa Rivera na 'yun?"


"Ako pa tinanong mo," sabi ko sabay hikab ulit.


"Syempre, kayo ang mag-best friends, di ba?" humikab rin siya. "Pero sa bagay, matagal-tagal na rin kayong di nagkikita. Baka di mo alam na ngayon ang first game ng Winchester Wolves."


"What the fudge?!"


–×–


"Psst. Uy," kanina ko pa tinatawag 'tong katabi ko pero di matinag. Titig na titig pa rin siya sa harapan habang nagdi-discuss ang teacher namin sa Social Studies. Social Studies! Ang boring! History nga ng Pilipinas wala akong pake, America pa kaya? Grabe naman 'tong si Kiefer, sipag mag-aral!


"Kiefer, it's the team's first game today, right?" pabulong kong tanong.


"Yes, after this subject," sagot niya pero nakatingin pa rin siya sa harap.


"Aren't you excused? Why are you still here?"


Tumingin siya saglit sa 'kin para lang patahimikin ako. "Ssh!"


Tsk! Masyadong seryoso sa pag-aaral! Nerd! Kainis. Ilang minutes na lang naman bago matapos ang last subject pero kahit na! Maging mga kaklase nga namin di na rin nakikinig at naririnig kong usapan nila ay 'yung game mamaya. Tapos itong isang 'to na kasali sa team, g na g pa rin sa pakikinig. Teka lang, kasali nga ba siya?


"Hey Kiefer, did you really join the team?" Baka naman pinapaasa niya lang ako sa sinabi niya last time. Kung ganun nga, well ang galing niya. Napaasa niya ako.


Huminga siya nang malalim. "Miss Lakewood, can't you wait for 10 minutes? The class is almost over."


Shemay naman! Bakit ba kasi ang tagal matapos ng klaseng ito?!


Heart DribblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon