ABIGAIL
Pagkatapos ng holiday season ay back to work na naman.
Hindi ako masyadong excited na magtrabaho dahil alam kong puro Christmas and New Year celebrations ang pag-uusapan sa office. Natitiyak kong ma-a-out of place na naman ako sa mga chismisan.
Not that I care. Hindi naman kasi ako pinapansin ng mga kaopisina ko. Except ng mga kasama ko sa department.
Paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko ang bagong luto na bacon at piniritong itlog. Good mood siguro si Grace at naisipan nitong magluto ng almusal.
Laging gulat ko nang makita kong may natutulog sa sofa. Sa tabi ng sofa ay dalawang malalaking maleta.
Hindi ko makita kung sino ang natutulog pero natitiyak kong babae ito. Nakatakip ang isang malaking unan sa uluhang bahagi nito at nakalugay ang mahabang buhok.
Our apartment is not that big kaya't just a few steps from the living room ay nasa kusina na ako.
"Our living room will be Stephanie's bedroom for a few days," ang sabi ni Grace na nasa kusina.
Wala naman talaga akong magagawa. Nasa pangalan ni Grace ang apartment. I'm just renting half of the apartment.
Stephanie is her cousin sa mother's side. Isa itong model. Or an aspiring model. Or actress. Hindi ako sure. Ang alam ko ay isa itong beauty queen sa probinsiya nila. She decided to pursue a modeling or acting career, whatever comes first, kaya't nasa Manila ito.
Madalas bumibisita si Stephanie lalo na kapag may modeling gig ito. Wala itong ibang matirahan sa Manila kundi ang apartment ni Grace.
"Nag-usap na ba kayo ni Mark?" tanong ni Grace while setting up the table.
"Hindi pa nga, eh," sagot ko sabay upo. I sent him a text message but I didn't get a reply. Siguro'y nagtatampo pa rin 'yon.
"Ano na naman bang pinag-awayan ninyo?"
"Tulad pa rin ng dati. He thinks I'm busy with work and stuff."
Kung iisipin mas busy pa nga si Mark kumpara sa akin. Madalas niya akong hinihindian tuwing nag-yayaya akong lumabas.
"Napapadalas na yata ang pag-aaway ninyo, ah," wika ni Grace.
"Grace naman. Yung mga mag-asawa nga nag-aaway pa rin, yung magkasintahan pa kaya?"
'Yon ang madalas kong sagot kapag sinasabihan ako ni Grace na palagi kaming nag-aaway ni Mark. At ayaw ni Grace kay Mark. She thinks I'm too good for him.
"Sa tingin ko, you should break up with him. Maghanap ka ng iba. You're too good for him."
Napangiti ako. Alam kong sasabihin niya 'yon.
"How's work?" I asked out of nowhere. Gusto ko lang talagang ibahin ang usapan.
"Ugh! Nightmare!" Grace said and stuffed a spoonful of steamed rice to her mouth.
Nagtatrabaho ito sa recruitment agency na pag-aari ng kapatid niya. She classifies herself as a headhunter or recruiter.
"Ano na naman ba ang problema ngayon?" I asked while chewing on a delicious piece of bacon.
"There's this American spoiled brat na ilang beses nang naghahanap ng personal assistant. I mean, we have sent over 11 personal assistants in his one month of stay dito sa Pilipinas."
"Talaga?"
"Sinisante niyang lahat dahil sa napakababaw na dahilan. Nakakainis na talaga. How I wish na umuwi na lang siya ng America. Napaka-arogante at napaka-unreasonable niya. There's this one personal assistant that he fired because she was taking pictures of him. I mean, what's the deal with that?"
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...