Prologue

127K 2.3K 51
                                    

"Hi, Tony!"

Kahit hindi pa siya lumingon ay kilala na ni Tony ang boses na narinig niya.

"God, no!" he whispered to himself. Sa lahat ba naman ng panahon ay ngayon pa ito mangyayari sa kanya. Gusto niya lang naman ng katahimikan. Kahit ilang minutong katahimikan lang.

Standing a few feet from him is a girl with long wavy hair, wearing a pair of eyeglasses. It's dorky, nerdy Abbie. May hawak itong dalawang hotdog na nasa barbecue stick.

"You want one?" tanong ni Abbie sa kanya sabay alok.

"Go away!" Galit niya itong tiningnan. Ano pa bang kailangan nyang gawin para tigilan na siya nito?

Sa halip na umalis ay lumapit pa ito sa kanya.

"Kanina ka pa hinahanap ng bodyguard mo," sabi ni Abbie. She stood right next to the bench he was sitting on.

"Bobo ka ba o bingi? Ang sabi ko umalis ka. Shoo!" sabi ni Tony while waving his arm, ngunit mas lalo lamang itong lumapit sa kanya.

"Alam mo, alam kong mabait ka."

"Are you freaking out of your mind? Why are you still talking to me? Sabi ko umalis ka."

"No... I'll stay here," sagot ni Abbie. She took a big bite from the hotdog.

Umiiling si Tony habang nakatingin kay Abbie. She's like a pest that won't go away. A cockroach that won't die. How many times has he already been mean to her? Ilang beses na ba niya itong ininsulto at ipinahiya? Pero heto pa rin ito at hinahabol siya.

"Can you please leave?" Gusto lang ni Tony ang mapag-isa.

"Ba't ako aalis. This is my hiding spot. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ka."

Tumaas ang kilay ni Tony sa kanyang narinig. Ito ang unang pagkakataon na napunta siya sa tagong bench sa school. Maaring totoo nga ang sinasabi ni Abbie pero naunahan niya ito.

"Hiding spot? Is this where you get your ideas on how to stalk me?"

Biglang nagbago ang mukha ni Abbie. Halatang nasaktan.

"Alam mo ba ang iniisip ko? Deep down inside, you're just this little boy craving for attention from his parents," sabi ni Abbie.

"Are you the school counselor now? Akala ko stalker lang kita."

"Hindi ako stalker!" Namumula na ang mukha ni Abbie.

"Hindi ka stalker? Bakit palagi mo akong sinusundan? Bakit nahuli kang nagtatago sa locker room ng mga lalaki? Weren't you trying to get my pictures?" Ano pa bang dapat niyang sabihin para umalis ito?

"A-ano? Hindi totoo ang mga pinagsasasabi mo. Hindi ako...Wala akong..."

"Tongue-tied?"

Humugot ng malalim na hininga si Abbie at tumitig kay Tony.

"I fell in love with you the first time I saw you," Abbie started her confession. "Kahit na suplado ka, alam ko na deep inside ay mabait ka. Siguro dahil sa pressure ng pagiging anak ng presidente ng Pilipinas kaya ka nagkakaganito."

Nalito si Tony sa kanyang naririnig. Hindi niya alam kung anong nangyayari. What is she talking about? Dorky, nerdy Abbie is in love with him?

"Kakalimutan ko ang masasakit na salitang sinabi mo sa akin. In my mind, you are perfect. This is not the real you. You're not a bad person, Tony."

She has completely lost her mind. Biglang kinabahan si Tony nang humakbang pa papalapit sa kanya si Abbie.

"Anthony Marco Silva, I will love you until the day I die."

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon