ABIGAIL
Hindi ako makapaniwala habang tinititigan ko si Tony.
Nasa isang mamahaling restaurant kami kasama sina Cecilia at Allen. Katabi ko si Tony at kaharap namin ang dalawa.
"I want to treat you to dinner."
Those were his exact words.
Abala si Tony sa kanyang cellphone. Sina Cecilia naman at Allen ay tahimik na pinagmamasdan si Tony.
"Ilang taon na ba 'yang alaga mo? Wala bang sakit sa utak 'yan?" mahinang sabi ni Cecilia sa akin.
Tiningnan ko muna si Tony bago sumagot. Abala pa rin ito sa kanyang cellphone.
"Hindi ko alam pero minsan parang five years old 'yan kung kumilos." I looked at him again.
Tumawa naman si Cecilia.
Tony suddenly cleared his throat. Sabay kaming napatingin sa kanya.
"I'm gonna make some calls. I'll be right back," sabi nito sabay tayo at alis.
Nakasunod naman ang mga mata nina Cecilia at Allen sa papalayong si Tony.
"He's yummy. Hindi ko masyadong nakikita yung mukha niya dahil sa kapal ng facial hair niya pero ang ganda ng katawan niya, ha? Tall, lean, trim, long legs, long arms..."
"Tumigil ka nga sa kalaswaan mo, Allen," saway ni Cecilia. " Kawawa naman.Ano bang sakit niya, Abbie?"
"Ha? Walang sakit 'yun. Masungit lang 'yun at makulit."
"Bakit mo ba siya binabantayan?" Cecilia misunderstood me. Akala siguro nito ay may sakit sa utak si Tony.
Dapat siguro ay sabihin ko na sa mga ito ang totoo bago iba pa ang isipin nila.
"I'm sorry I lied. Ang totoo personal assistant ako ni Tony. Hindi ko kasi alam kung paano sabihin sa inyo kaya sinabi kong babysitter niya ako."
Saglit na natulala si Cecilia.
"So...Wala naman pala siyang sakit sa utak. Tama nga si Allen. He's yummy."
Napatawa ako sa sinabi nito.
"May girlfriend ba 'yon? Is he straight or gay?"
"Ano bang trabaho niya? Bakit kailangan niya ng personal assistant?"
Sabay-sabay na nagsalita ang dalawa. Hindi ko tuloy alam kung sinong uunahin.
"Hindi ko alam kung may girlfriend siya but I think he's straight. Pero kung gusto mo tanungin mo siya mamaya. He's in the music industry, ang sabi niya musician. Or songwriter. He's secretive at natatakot akong magtanong."
Magsasalita pa sana si Allen ngunit muling bumalik si Tony. Nagkatinginan sina Allen at Cecilia pagkatapos ay nagbulungan ang mga ito.
"Punta lang kami sa ladies room sandali," ang sabi ni Cecilia sabay tayo.
Isang ngiti ang isinagot ni Allen at tumayo na rin ito.
Nang makaalis ang dalawa ay hinarap ko si Tony. Kanina ko pa siya gustong kausapin pero hindi ko magawa dahil kasama namin sina Cecilia at Allen.
"What are you doing? How did you know where I work? Can you take off your sunglasses?"
May sore eyes ba ito?
Dahan-dahang tinanggal ni Tony ang kanyang eyeglasses and then he smiled. Hindi ko alam kung bakit but my heart leaped. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...