ABIGAILTulog na tulog si Tony nang dumaan ako kanina sa apartment nito.
The living room was a mess. Nagkalat ang mga kahon, plastic at mga papel sa living area. Sa palagay ko ay sinubukang i-set up ni Tony ang nabili naming Playstation 4 kahapon.
Hindi ako makapaniwala. Tony is a grown man pero naglalaro pa rin ito ng video games. Pero at the same time ay naiinggit din ako sa kanya. Wala siyang ginagawa kundi ang maglaro buong araw samantalang ako ay nagpapakahirap sa pagtatrabaho.
Ang buhay nga naman.
I was on time nang makarating ako sa office. As usual, pinuna na naman ni Dianne ang suot ko pero hindi ko siya pinansin.
Sinalubong ako nina Allen at Cecilia pagdating ko.
"You look tired," ang wika ni Cecilia habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Oo, nga. Bakit parang pagod na pagod ka nitong mga nakaraang araw?" Tanong ni Allen.
Naupo ako sa swivel chair at ini-on ang computer sa aking desk.
"Hindi ako makatulog kagabi," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay kulang ako sa tulog. Simula nang maging PA ako ni Tony ay hindi na ako makatulog sa tamang oras.
"May bago ka bang boyfriend? Hindi ka ba niya pinapatulog?" kinikilig na tanong ni Allen.
"Tigilan mo nga ako, Allen. Wala akong bagong boyfriend. Ewan ko lang kung magkakaboyfriend pa ako." Sa sobrang busy ko ay wala na yata akong panahon para magka-boyfriend.
Ngumiti lamang ang dalawa.
"Ano ba? Wala ba kayong gagawin kundi pakialaman ang lovelife ko?"
"Sungit," pagbibirong sagot ni Allen at bumalik na ito sa kanyang cubicle. Sumunod naman dito si Cecilia.
Napatingin ako sa mga sulat na sasagutin ko. This is going to be a long day.
Exactly 11 am ay tinawagan ako ni Tony.
"Yes?"
"I just woke up. The pizza arrived. I don't want to eat pizza today."
Ano raw? Ano bang gusto nito?
"What do you want for lunch?"
Hindi ito sumagot.
"Tony?"
"Yeah. I'm thinking."
Mahirap ba talagang magdesisyon kung anong gusto mong kainin for lunch?
"What Filipino dishes can you recommend?"
Gusto nitong kumain ng Filipino food?
"Adobo, lechon, sinigang, kare-kare, pancit, dinuguan...?" Napatigil ako para mag-isip. Hindi ko naman kasi alam kung anong gusto nito.
"Sounds great. I want to eat all of them."
"Ano?!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Is there something wrong?"
Napatingin ako sa relos ko.
"Are you sure you can eat all of that for lunch?"
"Yeah. I'm starving."
Ano bang gagawin ko? Napakarami pa naman ng tatapusin kong trabaho.
"How about you eat the pizza for lunch and I'll buy Filipino food for dinner?" I crossed my fingers and hoped na sana ay pumayag ito.
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...