ABIGAIL
Pagkabangon ay una kong nakita ang aking cellphone malapit sa lampshade. Kaagad ko itong kinuha at in-unlock.
Kagabi ko pa hinanap to, ah. Wala naman ito sa table nung matulog ako kagabi.
Hindi kaya kinuha ito ni Tony kagabi? Pero ano naman ang gagawin niya sa cellphone ko?
Ang mahalaga ay nakita ko na ito.
Matapos makapagluto ng bacon at eggs ay kumain na akong mag-isa. Tahimik na tahimik ang buong apartment. Alam kong tulog na tulog pa si Tony sa mga oras na ito.
Sinigurado kong handa na ang almusal niya bago ako umalis para magtrabaho.
Nang makarating ako ng office ay sinalubong ako ni Cecilia.
"Ang aga mo yata ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Kasi naman galit na galit si ma'am Leslie sa mga late. Mabuti at wala ka dito kahapon. Masyado na raw kasing marami ang na-la-late."
"Hindi kaya't papagalitan din ako ni ma'am Leslie ngayon?"
"Naka-leave siya ngayon hanggang bukas."
Mabuti naman kung ganoon.
"So, ano na? Magkuwento ka naman kung anong nangyari sa'yo."
"Mamaya na nga, Cecilia. Magtrabaho muna tayo," natatawa kong sagot sa kanya.
Mabilis na lumipas ang mga oras at lunch break na. Naisip ko si Tony. Kumusta na kaya ito?
Tinawagan ko ito. Kinabahan ako nang hindi nito sinagot ang tawag ko. I tried to call him again pero wala pa rin.
Gising na kaya ito? Sana naman ay walang masamang nangyari sa kanya.
He answered his phone the third time I called him.
"Are you okay? Did something happen?"
"No, I'm fine," sagot nito.
"I can't join you for lunch but I ordered pizza for you."
"Yeah, it just arrived. That's why I wasn't able to answer your calls."
"Will you be okay on your own?" nag-aalala kong tanong dito.
"Of course."
He's normally makulit pero ngayon ay hindi.
"I'll be home late today. I have to go to my psychologist after work."
"Yeah, that's fine," mabilis na sagot nito.
Meron ba itong pinaplano? Bakit sobrang bait nito ngayon?
"Just call or text me if you need anything, okay?"
"Yep."
"And be careful."
"Yep. Bye!"
Hindi pa rin ako makapaniwalang sobrang bait sa akin ni Tony ngayon.
"Sino 'yon?"
Muntik ko nang mabitawan ang hawak-hawak na cellphone. Humarap ako at nakita sina Cecilia and Allen na nakatingin sa akin.
"Wala," sagot ko sa kanila sabay tayo mula sa upuan.
"Wala? Parang may tinatago ka, eh," ang sabi ni Allen.
"Pumunta na nga tayo sa cafeteria at gutom na gutom na ako."
"Hindi mo pa kinukwento kung anong nangyari sa'yo," ang wika naman ni Cecilia.
"Oo na. Ikukuwento ko sa inyo mamaya sa cafeteria."
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...