Collide

96.2K 2.5K 70
                                    

It was thirty minutes before 8 pm nang marating ni Abbie ang bahay ni Robin. She adjusted her eyeglasses and then she blew the horn of the car she's driving.

The car is a graduation gift from her mom. Isa itong second hand Toyota Vios. Gustong-gusto niya ito kahit hindi ito brand new dahil alam niyang hindi lahat ng nagtatapos ng high school ay nabibigyan ng sasakyan.

She knew she'd be given a car dahil ilang beses na siyang kinukulit ni Sam na mag-driving lessons para makakuha siya ng driver's license.

She got her driver's license three months ago. The car was given to her yesterday, her graduation day.

Lumipas ang halos sampung minuto ay hindi pa rin lumalabas ng bahay si Robin. Nilakasan ni Abbie ang busina ng kanyang sasakyan. Sa wakas ay lumabas na ng bahay si Robin kasama sina Shiela at Joyce.

Hindi alam ni Abbie na isasama ni Robin ang dalawa. Shiela and Joyce are Robin's friends, not hers. Hindi niya gusto ang mga ito. They were too flirty and too loud.

Nagtatawanan ang mga ito habang tumatakbo patungo sa sasakyan ni Abbie. Robin opened the passenger door. Sina Shiela at Joyce naman ay pumunta sa may likuran.

"What the hell, Robin?" kaagad na tanong ni Abbie nang makapasok ito sa sasakyan.

"Ano?"

"Bakit kasama mo sila?" mahinang tanong ni Abbie para hindi siya marinig ng dalawa sa likuran.

Narinig pa rin siya ng mga ito.

"Kung ayaw mo kaming isama, eh di, huwag," ang mataray na sagot ni Shiela.

"Abbie naman, eh. Iisang party lang naman ang pupuntahan natin," ang nakangiting sagot ni Robin.

Napailing si Abbie.

"Fine," sagot niya.

"You're our new best friend, Abbie!" ang sabi ni Joyce. Excited na excited ito.

Nagtititili naman sa tuwa ang dalawa.

"Seatbelts, please," ang sabi ni Abbie and started driving.

Tila walang narinig sina Shiela at Joyce. They were too busy talking about the boys they will meet in the party.

"Robin, sabihin mo nga kay Abbie 'yung sinabi namin sa'yo kanina," wika ni Shiela.

Robin was about to put on his seat belt ngunit na distract siya ni Shiela. Hinarap niya ang nagmamanehong si Abbie.

"Abbie, automatically ikaw ang designated driver ngayong gabii, ha?" sabi nito.

"Our lives are in your hands."

"Ibig sabihin hindi ka iinom kahit ni isang patak ng beer!" ani Shiela. At nagtawanan ang tatlo.

Nainis si Abbie. Magiging driver lang pala siya ng mga ito. Iniisip niya kung paano siya mag-e-enjoy sa party mamaya. Since kasama nila sina Shiela at Joyce ay tiyak niyang hindi na siya mapapansin si Robin. Ma-a-out place na naman siya nito.

"So, Abbie, saan ka mag-co-college?" maya-maya ay tanong ni Joyce.

Hindi alam ni Abbie ang isasagot. Matagal na siyang nag-iisip kung anong kurso ang kukunin pero hindi pa rin siya sigurado.

"Hindi pa niya alam," sagot ni Robin.

"I'll be taking the year off. Magbabakasyon muna ako," mahinang sagot ni Abbie.

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon