ANTHONY"What do you want to watch?"
I waited for Abbie to answer. She's in the kitchen making popcorn.
"Hey, Abbie?" sabi ko nang hindi ito sumagot. What's taking her so long?
Malakas naman ang buhos ng ulan sa labas. The weather ruined my plans. Sa dami ba naman ng araw sa buong taon ngayon pa bumagyo.
"Abbie? What do you want to watch? Ten Things I hate About You or While You Were Sleeping?"
Hinintay ko ang sagot niya. Wala pa rin akong narinig mula sa kusina.
Is she okay?
"Abbie? Can —"
Napatigil ako nang marinig kong nag-ring ang phone ni Abbie. Nilapitan ko ito.
It was Cecilia.
ABIGAIL
"Here's the popcorn."
Dala-dala ko ang isang napakalaking bown ng popcorn habang papalapit ako kay Tony.
"Ang tagal mo naman," ang sabi nito at kinuha mula sa akin ang bowl ng popcorn.
Napatingin ako sa bintana sa labas. Ang lakas ng ulan. Tony's original plan was to go to Palawan with me. Kaming dalawa lang. But the weather has it's own plans. Cancelled 'yong flight namin. Tony insisted on watching movies dahil hindi rin namin kami makalabas ng apartment.
"What do you want to watch? Ten Things I Hate About You, While You Were Sleeping, Never Been Kissed —"
Napatawa ako.
"Saan mo ba nakuha ang mga 'yan? Ang tagal na ng mga movies na 'yan, ah," ang sabi ko sa kanya.
"I thought you want to watch romantic comedies," he said at lumapit sa akin. "So? Alin dito?"
His arm brushed mine at bumilis ang tibok ng puso ko. It's only been three days since we've been dating. Medyo naiilang pa ako sa kanya.
"Hindi ko alam. Ikaw? Anong gusto mo?"
"Gusto kong pumunta ng Palawan," ang sabi nito. Nakatitig ito sa akin.
"Some other time," natawa ako nang sumimangot ito. "Ito na lang. Ten Things I Hate About You."
"Heath Ledger it is!" ang sabi niya and loaded the movie to the player.
Naupo ako sa couch. Tumabi naman si Tony sa akin. He instinctively wrapped his arm around me.
"Napanood mo na 'to?" tanong ko sa kanya.
Umiling si Tony. He took a handful of popcorn at isinubo.
Kapwa kami tahimik habang nanonood. Naisip ko sina Allen at Cecilia. Ang sabi ng mga ito ay pupunta sila sa apartment ni Tony ngayon.
"Bakit kaya wala pa sina Allen at Cecilia?"
"Cecilia called awhile ago. She said they can't make it," ang sabi ni Tony.
"Tumawag siya sa'yo?"
Hindi kaagad nakasagot si Tony. Tila may iniisip ito.
"No. She called you kanina. You were in the kitchen kaya sinagot ko na."
Napatingin ako kay Tony. He was looking straight at the TV.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Yeah, I'm telling you now."
Hindi naman ako nagagalit na pinakialaman niya ang phone ko. Pero sana ay pinuntahan niya ako sa kitchen.
![](https://img.wattpad.com/cover/92095236-288-k936190.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...