Knuckles

103K 2.7K 151
                                    

ANTHONY


"Cecilia's asking why you're not in the hospital."

Nagulat ako sa tanong ni Jacob.

"You have Cecilia's number?" nalilito kong tanong sa kanya.

"You left me with her yesterday, remember? We exchanged numbers. Cecilia's cool. She's nice and funny," sagot ni Jacob. "She asked me why you're not in the hospital. She said Abbie's leaving tomorrow."

Leaving the hospital? Ano bang pinagsasabi nito?

"What?"

"Nobody told you? Abbie's awake and she remembers everything. She'll be coming home tomorrow."

Gising na siya? She remembers everything?

"Oh my god! That's amazing!" I said while laughing. Tuwang-tuwa ako. I feel so ecstatic. Gusto ko nang makausap si Abbie. "I need to call Sam."

Tinawagan ko si Sam pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. I tried again but still nothing.

Sinubukan kong tawagan si Abbie pero hindi rin nito sinasagot ang tawag ko. I dialed again. Same thing.

"I'll just go to the hospital."


ABIGAIL


"Hindi mo ba talaga kakausapin si Tony?" tanong ni Sam sa akin.

Alam kong concern sa akin ang kapatid ko pero nakapag-desisyon na ako. Hindi ko muna kakausapin si Tony ngayon. I am overwhelmed with what just happened.

"Hindi na muna," I answered shortly.

" Anong oras ba pupunta dito si Grace? Uuwi na muna ako sa apartment."

I looked at my watch. Grace called me a few hours ago at sinabi na bibisita siya.

"It's okay you can go. Kaya ko namang mag-isa. Darating na siya maya-maya."

Sam kissed my cheek and walked to the door. Siya namang pagdating ni Grace.

"Nandito na pala si Grace," sabi ni Sam. "Pasok ka Grace. Aalis na muna ako."

Nagdalawang isip si Grace nang makita ako. Alam kong iniisip nito na baka galit pa rin ako sa kanya.

"Grace, it's good to see you. Halika," sabi ko sa kanya.

Ngumit naman ito at lumapit naman ito sa akin.

"Namiss kita, Abbie," nahihiyang sabi nito.

"Ako rin," sagot ko. "Halika nga. Payakap."

Mabilis na lumapit sa akin si Grace at niyakap ako ng mahigpit. It was Sam who informed Grace sa nangyari sa akin. Grace was so eager to see me after everything that has happened to us.

"Salamat at binisita mo ako."

"I'm sorry talaga sa lahat ng nangyari —"

"It's okay. Kalimutan na natin ang lahat. I'm just so happy that I regained all of my memories."

"Natutuwa ako para sa'yo," sagot ni Grace at naupo.

I smiled. Ngayon ko lang narealize na namiss ko talaga si Grace.

"Kailan ka makakalabas ng hospital?"

"Bukas pa sabi ng mga doctor," sagot ko. The doctors said I am fine. Hindi na nga ako naka-IV but they want me to stay overnight just to make sure everything is okay.

"Sa apartment ni Tony ka pa rin ba uuwi?"

Umiling ako.

"Doon na muna ako sa apartment ni ate Sam. We're planning to go back to Cebu. Doon na muna ako sa kanila habang iniisip ko pa kung anong susunod kong gagawin."

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon