Sleepover

99.9K 3K 92
                                    

ABIGAIL


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Si Tony na dini-date ko ay si Tony Silver, ang lead guitarist ng bandang Crush.

At first, I felt betrayed kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo. Pero nang maisip ko ang lahat, Tony was just protecting himself from the public eye. Kaya pala he was sporting a thick beard.

Pero bakit hindi nito sinabi sa akin kung sino siya? We're already dating. I expected him to be honest with me.

Gulong-gulo ang isipan ko.

"Alam mo nagtataka ako kung bakit hindi mo kilala si Tony Silver," ang wika ni Cecilia. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair na malapit sa aking desk.

"Minsan ko lang nakita 'yong picture ng Crush. Noon pang meeting natin. Tapos ang sabi pa ni Carl lumang picture daw nila 'yon. I couldn't pinpoint who's who sa picture nila."

"Pero ang tanong ko, anong ginagawa ninyo ni Tony doon sa picture?"

Should I tell Cecilia the truth?

"Alam mo naman, di ba? Tony and I are dating."

She covered her mouth with her hands in excitement.

"Oh my gosh, you are so lucky! Alam mo, na-e-excite at naiinggit ako sa'yo pero at the same time kinakabahan din ako. Alam mo kung bakit?"

Umiling lang ako.

"Dahil hahabulin ka ng paparazzi kapag nahanap ka nila."

Hindi ko naisip 'yon. Bigla akong natakot.

"Paano mo nasabi na hinahanap nila ako?"

"Yung mga comments sa Facebook, lahat sa kanila nagtatanong kung sino ka. At alam mo naman ang mga paparazzi, gagawin ang lahat para magkapera."

Hindi naman siguro nila ako makikilala.

"Pero, alam mo kung anong nakakatakot?"

"Ano?" nagtataka kong tanong kay Cecilia.

"Si ma'am Leslie. Patay ka do'n kapag nalaman niyang kilala mo pala si Tony Silver," sagot ni Cecilia sabay tawa.

"Promise me you won't tell anyone else."

"Paano si Allen?" mahinang tanong ni Cecilia.

Allen is sitting on his cubicle. Nakasuot ito ng earphones. Ibig sabihin ay busy ito at ayaw magpa-distorbo.

"Alam mo naman si Allen, hindi niya alam kung paano kontrolin ang sarili niya. Siguro huwag na muna nating sabihin sa kanya."

"Ako na lang ang magsasabi sa kanya. Sooner or later, malalaman din ni ma'am Leslie na ikaw 'yong nasa picture. Masasaktan si Allen pag nalaman niyang hindi natin sinabi sa kanya ang totoo. "

Cecilia has a point. Bakit ba parang hindi ako nakakapag-isip ng matino?

"Okay. Ikaw na ang bahala kay Allen."

"So, anong plano mo ngayon?"

Muli akong umiling. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Tony. Siguro I should stop dating him.

"Uy, huwag mong kalimutan na ipakilala kami kay Tony Silver ha?"

"Ano ka ba? Kilala ka na no'n."

"Basta! Gusto ko lang siyang makita sa personal. Sige na naman, Abbie."

Hindi ko sinagot si Cecilia. I'm not even sure kung gusto ko pang makita si Tony. Ngayon na nalaman kong siya pala si Tony Silver ay maraming bagay na ang magbabago.


Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon