ABIGAIL
"I've been knocking on the door for five minutes," ang sabi ko sa nakangiting si Adrian nang buksan nito ang pintuan.
Nagkibit-balikat lamang ito. Kaagad namang nawala ang inis na naramdaman ko.
Ang gwapo talaga ni Adrian. His wavy hair, his dimples, his smiling eyes, sexy mouth, perfect body... I can go on forever. Ang swerte talaga ni Samantha.
"Ang tagal kong naghintay sa labas, ah. Ano bang ginagawa ninyo ni Sam sa loob? Sexy time?" pabiro kong sabi nang makapasok na ako sa apartment nila.
Tumawa si Adrian.
"Sexy time with kids in the house?" tumatawang wika nito.
Itatanong ko na sana kung nasaan si Samantha ngunit nakita ko na ito sa living area. Nililigpit nito ang mga laruan nina Samuel at Adriana.
Nagtakbuhan naman sa aking direksyon ang dalawang makukulit na mga bata.
"Auntie Abbie!"
"Auntie Abbie, you're here!"
Tuwang-tuwang niyakap ako ng mga ito.
"How are you, little monsters?" I smiled and hugged them back.
"Come on, kids. Mommy and Auntie Abbie will be doing something in the kitchen," ang sabi ni Adrian sa mga anak.
"Can we watch TV?" ang tanong ni Samuel.
"Yeah, TV!" dugtong naman ni Adriana.
Hindi sumagot si Adrian. Sa halip ay tumingin ito sa direction ni Sam.
"Please, mom?" makulit na tanong ni Samuel.
"Please, please?" dugtong ulit ni Adriana.
"Pretty please, mom?" ani Adrian, imitating his kids.
"You're spoiling them," ang sagot ni Sam sa asawa.
"Isang oras lang naman and then I'll have them do some coloring," wiika ni Adrian. Lumapit ito kay Sam and planted a kiss on her lips.
"Adrian, isang oras lang ha?"
"Yes, babe," sagot nito pagkatapos ay sabay na kinarga ang nagtitiliang mga bata, flexing the muscles on his arms.
"TV! TV!" Ssgaw ng dalawang bata.
Tumalikod naman si Adrian at iniwan kami ni Sam sa living area.
"Ang gwapo talaga ni Adrian, ano?" ang sabi ko sa kapatid ko.
"I heard that! Thank you!" sigaw ni Adrian.
Sam blushed and smiled. Napangiti na rin ako. My sister is obviously happy with her husband.
"Ang laki na ng mga bata."
"I know. Ang kukulit nga nila, eh," nakangiting sagot ni Sam. "Tara sa kusina."
Nakahanda na sa kusina ang ingredients at materiales na gagamitin sa pagluto ng blueberry cheesecake. Nasa ibabaw ng mesa ang isang makapal na notebook. Kinuha ko iyon at binuksan.
It was Sam's recipe book, containing handwritten recipes. Isa-isa kong binuklat ang notebook and took out my phone from my pocket.
I was about to take a picture of one of the recipes ng magsalita si Sam.
"Why do you wanna know how to make blueberry cheesecake?"
"Kasi..ano..may kaibigan ako na mahilig sa desserts," sagot ko. Nahihirapan akong magsinungaling kay Sam pero I have to. "Is it okay if I copy some of your recipes here?"
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...