ABIGAIL
Tony Silver, lead guitarist ng international band na Crush, excited sa gaganaping concert sa Pilipinas ngayong January 2.
Sa ibabaw ng mga salitang 'yon ay ang nakangiting larawan ni Tony. Kung hindi ko pa nabasa ang article na ilang daang libong beses nang shinare sa Facebook ay hindi ko pa malalaman na babalik pala sa Pilipinas si Tony at mga kasama nito.
Napangiti ako pero sa dibdib ko ay nandoon ang kalungkutan. Hindi ko alam na puwede ka palang maging masaya at malungkot at the same time.
Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.
Anim na buwan matapos kong matanggap ang tawag mula sa isang publishing company ay biglang nagbago ang buhay ko. A month after that, they published my fantasy novel, The Dragon Princess, na naging New York Times Bestselling book.
Kinailangan kong pumunta ng New York to legalize everything. I was excited while I was in New York pero I was hoping na sana ay makita ko si Tony doon. Naisip ko, hindi naman siguro masyadong malaki ang New York. But New York turned out to be very big and populated. Hindi ko nakita si Tony sa tagal ng inilagi ko doon.
Next month ay i-pu-publish nila ang sequel na isinulat kong libro. My agent also told me na may isang film producer daw na interesado na gawing movie ang libro ko.
Sa kabila ng tagumpay at pagiging abala, hindi pa rin maalis ang kalungkutan sa puso ko. Nandoon pa rin ang pagsisisi na pilit kong ibinabaon.
I remember one time after a very busy day of book signing ay umuwi ako ng bahay at pinilit kong makatulog. It was one of those times na pagod na pagod na ang katawan ko ngunit ayaw pa ring magpahinga ng utak ko. Wala akong ganang magbasa or manood ng palabas dahil ayokong bumangon.
Binuksan ko ang Facebook ko at nakita ko ang isang video na shinare ni Cecilia.
I clicked the video and saw Michael and Noah singing happy birthday. It was Jacob's birthday. Kaagad kong hinanap si Tony sa video. He was at the back, talking to this very beautiful girl. Halos magkadikit na ang mga mukha nila. Tumatawa ang babae habang nakikinig kay Tony.
And just like that, it was like high school again. Hindi na natatapos ang araw ko nang hindi ko ini-stalk si Tony. And since wala siyang personal and official Facebook page, ang account ni Jacob na lang ang tinitingnan ko.
It was like a ritual. Bago ako matulog ay tinitingnan ko kung may bagong post si Jacob. Kung meron ay hinahanap ko si Tony. Kung wala naman ay paulit-ulit kong pinapanood ang mga videos nila.
I know it was Tony who submitted my manuscript to the publishing company. The publishing company said it was mailed to them with my address and phone number.
Ilang beses kong sinubukang kausapin si Tony pero nagpatalo ako sa pride ko. Naisip ko, I'm the girl. Nakakahiya kung ako pang maghahabol sa lalaking hindi na interesado sa akin.
If Tony is still interested, won't he chase after me? If he's really interested, would he give up that easily?
Siguro hindi niya lang talaga ako mahal.
Muli kong binasa ang article. Naisip ko, paano kaya kung pumunta ako sa concert?
There's no use. Ano bang gagawin ko doon.
I closed Facebook. Siya namang pagtunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ito. It's Sam.
"Hello?" nakangiti kong sabi. Alam ko kung bakit tumatawag na naman ito.
"You're coming, aren't you?" may pag-aalala sa boses nito.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin na pupunta ako sa anual Christmas party mo?" sabi ko sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...