ABIGAIL
Nagulat ako nang sabihin ni Tony na kailangan niya ang tulong ko.
Gusto ko talagang umalis sa apartment nito lalo na ngayon na may naaalala na ako. But then Tony is still my employer. So habang hindi ko pa alam kung anong gagawin ko sa buhay ko, I'll probably just help him.
Tinawagan ko si Cecilia to let her know na dito na muna ako titira sa apartment ni Tony pansamantala.
"Papunta ka na ba rito?" tanong ni Cecilia sa kabilang linya.
"Cecilia, dito na muna ako sa apartment ni Tony?"
"Ano?" gulat na tanong ni Cecilia. Alam kong hindi niya inaasahan yun.
"Tony needs my help."
"Help? Anong help ba ang pinagsasabi mo? It's obvious! Gusto mo pa rin siya kaya ayaw mong umalis."
Napapikit ako sa sinabi ni Cecilia. Gusto kong umalis but Tony begged me to stay.
"Kasi naman, they have this mini-concert and charity event and —"
"What???"
Wala ana akong ibang narinig kundi ang sigaw ni Cecilia.
"Cecilia, makinig ka nga muna sa akin —"
After a long time of screaming ay nakinig din si Cecilia sa akin.
"It's not a big concert. Just a few people—"
"Isama mo naman ako, please, please, please?"
I knew she was going to say that.
"It's not up to me, Cecilia."
"Sige na naman Abbie, please. It's my dream to see them perform."
Naisip ko na sana ay hindi ko na lang sinabi kay Cecilia ang tungkol sa charity event. Alam kong hindi ito titigil hangga't hindi ako papayag.
"Tatanungin ko si Tony pero hindi ako mangangako."
Isang napakalakas na tili ang isinagot ni Cecilia.
"Kumusta sa office?" tanong ko nang kumalma na ito.
"Mabuti naman at itinanong mo. Galit na galit sa'yo si ma'am Leslie. Sabi niya hindi ka raw makakakuha ng magandang reference mula sa kanya."
Alam kong galit pa rin sa akin si ma'am Leslie. She's the kind of boss who gets what she wants. Hindi niya nakuha ang gusto niya sa akin kaya't galit na galit siya.
"Talaga bang hindi ka na babalik sa office?"
"Alam mo, this is the first time that I actually feel better. I don't feel stressed, wala akong pinoproblema."
Well, except for Tony.
Matapos naming mag-usap ni Cecilia ay lumabas ako ng kuwarto ko. It's almost dark at nagugutom na ako.
ANTHONY
The days went by so fast that I didn't notice it.
Muling tumawag si Pierre at kinumpirma ang mini-charity concert sa hospital bukas. Handang-handa na kami ni Jacob. Nakapili na kami ng kakantahin and we're confident about it.
Things between Abbie and I have gone cold. Iniiwasan niya ako at kung magkasama naman kami ay sobrang tahimik nito. Ang mas masakit ay hindi niya ako kinakausap tulad ng dati.
It hurts so bad especially now that Jacob is around. Palagi siyang tumatawa kapag kasama niya ito.
Alam ko namang walang gusto sa kanya si Jacob. I know Jacob's taste in women but sometimes I just feel so insecure and jealous watching them together.
![](https://img.wattpad.com/cover/92095236-288-k936190.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...