ABIGAIL
Ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos.
Kasalanan ni Tony ito. He has been on my mind the last few days. Hindi ako makapag-isip ng matino.
Nakakatawa mang isipin but I think he's trying to seduce me. May pakanta-kanta pa siya. What was that all about?
Kagabi napansin kong gusto niya akong halikan. Mabuti na lang at naiwasan ko siya.
Inaamin kong unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya pero hindi ako magpapadala sa nararamdaman ko. Tony is a playboy at maraming babae ang nagkakagusto sa kanya.
Nakapagshower at nakapagbihis ako in just under 15 minutes. Hindi na ako makakapagluto ng breakfast. Iinom lang ako ng tubig sa kusina pagkatapos ay aalis na ako. I hope Tony will understand. Siguro naman ay tulog pa 'yon sa mga oras na ito.
Laking gulat ko nang makita ko si Tony sa kusina. He's holding a coffee mug at may kausap ito sa kanyang cellphone.
Nakasuot lamang ito ng sweatpants. Wala itong suot na pantaas.
I really tried hard to look away but my eyes betrayed me. Nakatayo lamang ako habang nakatitig sa katawan nito.
"Hi, Abbie!" sabi nito.
Kaagad akong nag-angat ng tingin. Nakakahiya. Alam kong nahuli niya akong nakatitig sa kanyang katawan.
"H-hi. I...uhm...I..."
Nalunok ko ba ang dila ko?
"Yes?" tanong nito. His face looked amused. Siguro ay sanay na ito sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.
"I'm late," sabi ko sabay talikod. Pagkatapos ay umalis na ako ng apartment.
Ano bang nangyayari sa akin?.
Late na naman ako nang dumating ako sa opisina. Pagkalabas ko sa elevator ay kaagad kong napansin na parang kakaiba ang takbo ng hangin sa loob. Parang nagmamadali ang lahat. Siguro ay hindi lang ako ang late.
Papunta na ako sa aking desk nang may bumangga sa akin mula sa likuran.
"Aray!"
Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon sa sahig ang aking eyeglasses.
"Oh my god! Abbie, I'm so sorry. Hindi kita nakita."
I had to squint my eyes para makita ang nagsalita. Si Carl. May dala itong isang malaking kahon.
"Okay ka lang?" tanong nito.
"Yong eyeglasses ko."
Nakita ko ang eyeglasses ko sa sahig. Kukunin ko na sana ang mga iyon nang maunahan ako ng isang paa na naka-high-heeled pumps.
And I heard the sound of my eyeglasses breaking.
"What is that? Muntik na akong masugatan, ah!" It was Dianne.
"Inapakan mo 'yong eyeglasses ko. Ayan at sira na!"
She did not look a bit sorry. May nakikita pa akong ngiti sa gilid ng mga labi nito.
"Ba't naman kasi nasa sahig yan," mataray na sagot nito. "Carl, hinahanap ka na ni ma'am Leslie."
Alam kong sinadya nitong apakan ang eyeglasses ko. Alam kong galit ito sa akin dahil kay Tony.
"I am so sorry, Abbie," wika ni Carl at mabilis na umalis.
Diane just looked at me from head to toe pagkatapos ay umalis na rin. Wala akong ibang nagawa kundi pulutin ang nagkabasag-basag kong salamin. It was beyond repair. Wala na akong nagawa kundi itapon ito sa basurahan.
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romans***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...