ANTHONYKanina pa ako nakatitig sa salamin.
I just got out of the shower and I can't decide whether to shave my beard or not.
Maybe not. Baka makilala ako ng mga tao at masira pa ang bakasyon ko. I love my fans but I can't have them chasing me wherever I go.
Hindi maalis sa isip ko si Abbie. Hindi ko inakalang makikita ko siyang muli. The last time I saw her was in high school. That was a long time ago. Siguro ay mga eight years.
Ang ganda na niya ngayon. Hindi naman siya pangit noong high school. She just looks different.
But not that different.
Ano bang pinagsasabi ko? Nagugulahan na yata ako.
Her beautiful eyes are the same. Her face looks the same, pero mas attractive. Nakakatawa dahil hindi niya ako naalala.
Totoo kaya na may amnesia siya? Paano siya nagka-amnesia?
Maybe I should ask her.
ABIGAIL
"Abbie, kumusta? Nagkita ba kayo ni Mark Anthony?"
"Oo, nakita ko siya kanina," mahina kong sagot kay Grace sa kabilang linya. Napatingin ako sa relos ko. I'm gonna be late.
Hindi naman ako nagtagal sa bahay ni Mark Anthony pero pagdating ko sa building ng opisina namin ay nagulat ako sa dami ng taong nakapila sa lobby. Nasira ang dalawang elevator ng building. May na-trap pa nga raw sa loob. Iisang elevator lang ang gumagana habang inaayos pa nila ang problema.
"What does he look like? Magkuwento ka naman."
Papano ko ba ilalarawan si Mark Anthony?
"I can't really tell kasi balbas sarado."
"Ha?"
"Oo. Pero maganda 'yong mga mata niya."
At katawan. He really had a lean and attractive body.
Gusto kong sabihin 'yon kay Grace pero baka marinig ako ng mga taong naghihintay rin sa elevator at masabihan pa nila akong bastos.
"Matangos 'yong ilong niya at matangkad siya."
"Ilang taon na siya sa tingin mo?"
"Ano ba ito, Grace, interview? Wala ba kayong picture niya sa files ninyo?" natatawa kong tanong.
"Kung meron magtatanong ba ako?" sarkastikong sagot ni Grace. "So, gwapo, matangkad...Ilang taon ba siya sa tingin mo?"
Napaisip ako. Hindi ko naman talaga masasabi kung ilang taon ito kasi nga balbas sarado.
"Hindi ko alam. Siguro late twenties or early thirties, maybe younger. Hindi ako sigurado."
"Pinagsungitan ka ba? Or ininsulto?"
Muli akong napaisip. Masungit nga si Mark Anthony pero hindi naman ako pinagsabihan nito nga masama.
"Hindi pero he was weird."
"Paanong weird?"
"Tinanong niya ako kung hindi ko ba siya nakikilala." I can't forget the way he asked kung kilala ko ba siya. I tried hard to remember him pero hindi ko talaga siya matandaan.
"Talaga? Maybe he knows you from somewhere."
"Imposible. Hindi pa ako nakakapunta ng America. Paano ko siya makikilala?"
BINABASA MO ANG
Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)
Romance***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful because, despite the grammar lapses, you continued to read this and helped it reach 4.3 million reads...