Quit

109K 2.6K 70
                                    

ABIGAIL





Abot hanggang teynga ang ngiti ko nang dumating ako ng office.

Hindi pa rin naalis sa isipan ko ang nangyari kanina sa apartment. I met Jacob, ang vocalist ng Crush. Habang kinakausap niya ako kanina ay hindi ko maiwasang ngumiti. He's a natural flirt.

Tony makes my heart flutter while Jacob makes me smile like crazy. Ano bang meron ang mga lalaking ito at nagkakaganito ako?

My morning was like sunny and bright because of Jacob. Nakalimutan ko ang mga problema namin ni Tony.

"Mukhang ang saya mo yata ngayon, ah. Kumusta na kayo ni Tony?" tanong nito na tila binabasa ang aking isipan.

"I don't want to talk about it." Hindi ko alam kung bakit natatawa ako.

"May itinatago ka, ano?"

Nagkibit-balikat ako. Lalo namang naintriga si Cecilia.

"May naisip ako about Jacob Trent, 'yong vocalist ng crush. Paano naging blonde ang buhok niya at blue 'yong mata niya kung Japanese ang nanay niya?"

"Yung buhok niya is really brown but his blue eyes are real," ang sagot ni Cecilia.

"Yes, they're real. Very blue and very real." I hinted at Cecilia.

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig.

"No way!! Huwag mong sabihing—"

Tumango ako at biglang tumili ng malakas si Cecilia. Napatingin si Allen sa aming direksyon. Tumayo ito at lumapit sa amin.

"Ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong nito.

"Kelan siya dumating?" excited na tanong ni Cecilia.

"Hindi ko alam. Siguro kagabi."

Muli na namang tumili si Cecilia.

"Sino bang dumating? Ba't parang mamamatay sa katitili ang isang ito?"

Lumapit si Cecilia kay Allen. May ibinulong siya sa huli.

Allen had the same reaction. His eyes wide and he started screaming like a lost child.

"Shhh..."

"Kailan namin siya puwedeng makita?" kinikilig na tanong nito.

"Hindi ko alam. All I know is that he's in Tony's apartment," natatawa kong sagot.

"Ang sarap mong sabunutan, babae ka! Nakakainis ka na, ah! Una si Tony ngayon naman si Jacob? Ano bang meron ka at pinagpala ka sa lahat?"

Laking tawa ni Cecilia sa sinabi ni Allen. I just smiled.

Magsasalita na sana ako nang makita kong papalapit si ma'am Leslie. Naalala ko tuloy na hindi ko pa naitatanong kay Tony ang tungkol sa interview.

"You guys look so happy," ang wika nito nang makalapit sa amin. "Abbie, in my office please."

Nagkatingan sina Cecilia at Allen.

"Parang ang close na yata ninyong dalawa ni ma'am Leslie, ah," sabi ni Allen nang umalis na si ma'am Leslie.

Hindi ako sumagot. This time alam ko na pagagalitan ako nito.

Naghihintay na sa akin si ma'am Leslie nang pumasok ako sa office niya. Malaki ang ngiti nito. Lumapit ako and took a seat in front of her desk.

"So, kumusta na?" She was really expecting something from me.

Paano ko ba sasabihin ang toto na hindi ito magagalit sa akin?

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon