Ang isang araw niyang Absent nasundan ng nasundan pang apat na araw na niyang absent ngayon so what? Masama lang talaga ang lagay niya. Tumawag na siya kay Bettina na hindi muna siya makakapasok, lahat ng forwarded papers para sa CEO office ay in charge muna dito di talaga niya kaya pumasok.
Mabuti na lang 1 week ang convention ng Mommy niya kaya di siya nito napapansin. Naligo na siya ganap ng alas 10 ng umaga. Gusto niyang lumabas bahala na kung saan siya abutin ng kanyang mga paa. Short as in short ang suot niya at isang plain white shirt. Nag suot din siya ng baseball cap. Bigay sa kanya ni Warren ang suot niyang sombrero. At isang body bag ang dala niya. Mukha na siyang bata sa get up niya. At sneakers ang napili niyang sapin sa paa.
"Meme aalis ako ha. Bahala ka na dito." Paalam niya dito ng tunguhin niya ito sa kusina.
"Naku Ate, pupunta si Marcos ngayon dito e, sabi ko pwede siya pumunta, nandito ka naman e. Gumawa ako ng halayang ube merienda ninyo." Tuloy-tuloy na sabi nito sa kanya.
"Naku pupunta ako ng divi ngayon, sabihin mo bumalik na lang mamayang gabi. " tumalikod na siya dito.
"Naku Ate..." di na niya narinig ang sasabihin nito dahil papalabas na siya ng pinto.
Malapit na siya sa Gate nila ng may humintong sasakyan. Isang black na Fortuner. Balak pa atang gumarahe sa harap nila ang sasakyang ito. Okay lang iyon kasi naka close naman ang clinic ng Mommy niya. Sana wag naman ito mag tagal doon.
"Tey! Tey!" Tawag sa kanya mula sa loob ng sasakyan. Dahil mataas ang sasakyan hindi niya pa agad nakikita ang taong nasa kabila noon, ka agad agad. Kung hindi siya iikot sa kabilang side. Maaring hindi naman siya ang tinatatawag. Deadma lang ang peg niya.
Wala sana siyang balak pansinin iyon baka kapareho niya lang ng pangalan ang tinatawag nito.
"Tey!" Muli siyang lumingon isang lalaking naka ngiti sa kanya medyo may kahabaan ang buhok nito may suot na bonnet at rayban Red ang shades nito. Gwapo sa isang salita. Kilalang kila niya ito dahil tuwing ngengeti ito ay may hiwa lumalabas sa baba nito.
Si Marcos Lang ang kakilala niyang may clip chin.
"Farennias! Farennias ikaw nga!" Tuwang tuwa siya dito ng makita niya ito. Nayakap niya ito ng mga sandaling iyon ng magkalapit sila. At ganun din ito sa kanya. Well mag kababata sila. Namiss niya ang poging ito na malakas umalaska sa kanya.
"Oppsss dito pa tayo sa kalsada nag PDA..." sabi nito ng bumitaw siya dito.
"PDA ka dyan...san ka pupunta? Nakss namiss naman kita talaga?" Sabi niya dito. At muli niya itong niyakap. Ganun din ito.
"Saan ang punta mo Neneng? Dito ang punta ko talaga sa inyo."
"Aalis nga ako. Marcos iyon lang ang bahay nio bat kontodo dala ka pa ng sasakyan. Mabuti na lang close si Mommy naku."
"Yayain nga kita sana.. tamo to, same pa tayo ng get up. " Naka short lang din ito at naka. Rubber shoes.
"Naku! Ganun ba. Tara na kung ganun."
"Okay." mabilis siya nitong pinag bukasan ng pinto sa right passenger seat.
"Ano ba yan. Mukhang naligaw pa ata ang isang iyon. " Nguso nito sa isang sports car black na mag U turn. Kaya di agad sila maka usad.

BINABASA MO ANG
Bedmates (COMPLETED)
RomanceChraizel was already 33 years old. A late bloomer...... Graduate in Calendar..... Freshmen in Lotto line..... In short? Ranking for oldmaid. Walang spices ang buhay niya kulang sa anghang. She meets a man in Elevator. The sparks begins and inde...