Hawak ang bulsa de yelo ay nilalagay niya sa gilid ng labi niya. Tahi ang kilay niya. Kagagaling lang nila sa St. Lukes Global. Doon ang tuloy nila pag kagaling sa Taguig Police Department Kinunan sila ng statement sa nangyaring kaguluhan na kinasasangkutan nilang tatlo. Pasalamat na lang at hindi sila na detained. Wala siyang balak edemanda sina Geraldo at Marcos. Quits quits na lang. parehong mga basag naman ang mga mukha nilang tatlo eh, di na siya lugi sa mga to.Matapos ang pangyayari sa car park ay na imbitahan sila sa police station ay Nag paiwan si Lucas doon. Batid niyang hindi hahayaan ni Lucas na makalabas pa ang pangyayari sa kanilang tatlo sa media.
Kasalukuyang silang nasa Tahanan ng mga Mariano ng mga sandaling iyon. Tatlo sila may kanya kanyang hawak na bulsa de yelo! At putok ang mga kilay at labi. Maliban kay Lucas na bumyahe na ito, pa Laguna at si Dalisay. Ganap na ala una ng madaling araw hindi pa din umuuwi si Chraizel! Aligaga na siya ng mga sandaling iyon. Tingin siya ng tingin sa pinto kahit alam niyang walang paparating!
Sumasakit ang ulo niya sa sandaling iyon! Sa dami ng alak na nainom niya buong araw. At nag aalalang hangang ngayon ay hindi pa din umuuwi ang dalaga. Out of coverage na ang cellphone nito ng mga sandaling iyon! Pakiramdam niya masisiraan siya ng bait. Nahawakan niya ito kanina at nayapos, peste! talagang Geraldo sinapak siya nabitawan niya ang dalaga.
Ilang saglit pa muling sumulpot ang Ginang ng mga Mariano may bitbit na pag kain at kasunod nito ay ang isang kawaksi.
"Meme ibigay mo ang kape sa mga talinpadas na mga lalaking ito! Hala mag sikain kayo! Nang mag kalaman ang mga utak nio na naalog!
Parang Mommy niya din, mula sa presinto hangang sa ospital ay dakdak ng dakdak. Kahit siya dinakdakan din. Ang sakit sa tenga ulit ulit lang din. Dinaig pa si Lucas sa pagiging NBI nito. Uuwi na rin sana siya pag labas niya ng St. Lukes ng nag dadakdak ang Ginang Kaya sumama na lang siya sa mga ito..
Nak ng Tokwa Pare! Mapipikot ka na nito? Bagsik ni Mrs Mariano oh? Interrogation panel ka muna ngayon.. Galingan mo sumagot? Magiging Byanan mo yan! Gudluck Tol!
Naalala niyang sabi ni Lucas sa kanya kanina. Asar talo man, nanahimik na siya.
"Geraldo! Ikaw ang pasimuno dito! Kitang kita sa cctv
Na ikaw ang unang nanuntok! Anong gusto mong palabasin! Hindi ko ito papalagpasin! Mag paliwanag ka! Hindi kita pauuwiin sa mag ina mo hangat di ka nagsasabi!"Mommy naman, baka manganak ang asawa ko ng wala sa oras! Bwesit tong si Sy eh! Daming atraso nito sa akin.. Pati si Chraizel di pinalampas.... Di ka pa nakaka bayad ng utang! Dinagdagan mo pa!" Muli siyang dinuro nito.
"Hep! Anong utang?" Anang Ginang. Nag kasalubong ang mga mata nila ni Geraldo ng mga sandaling iyon. Pero hindi siya bumaba ng tingin para iwasan to.
" Hijo? Ano nga pangalan mo?"
"Albert Po Maam."
"Totoo bang nang dahil sa utang kaya kayo nag sapakan ng magaling kong anak?" Muling tanong nito sa kanya.
"Ah Maam kung financially aspects po wala po akong utang sa kanya?" Tiningnan niya si Geraldo ng mga sandaling iyon. Ngunit hindi na ito nakatingin sa kanya.
"So kung ganun maari mo bang sabihin sa akin ng malaman kung puno't dulo ng lintik na sigalot na ito."
"Mom tama na uuwi na ako?"
![](https://img.wattpad.com/cover/64216322-288-k961793.jpg)
BINABASA MO ANG
Bedmates (COMPLETED)
RomansaChraizel was already 33 years old. A late bloomer...... Graduate in Calendar..... Freshmen in Lotto line..... In short? Ranking for oldmaid. Walang spices ang buhay niya kulang sa anghang. She meets a man in Elevator. The sparks begins and inde...