"Hello Marcos? Bakit?"
"Nasan ka? Naka uwi ka na ba? pumunta ako sa information ng Hotel last night e, naka check out ka na daw. Naka uwi ka na ba?" Tanong nito
"Pauwi na ako sa bahay ngaun? Ikaw?"
"Halos kababa ko lang ng plane. Nandito na ang sundo ko .."
"Ganun ba.. nasa taxi din ako pauwi na ako sa bahay."
"Okay, yayain sana kitang mag dinner sana mamayang gabi. Bago ako bumalik ng Batac mag tatagal kasi ako don. Bago ako babalik ng US."
"Akala ko ba for Good ka na dito sa pinas?"
"Balak ko na sanang mag for Good dito eh, kaya lang may nauna na sa akin sa babaeng gusto ko sana laanan ng oras ko."
"Marcos ha! Binibiro mo na naman ako eh." Napaiyak siya na naman. Hindi pa din mawaglit sa isipan niya ang mukha ni Albert at ng buhay na barbie doll na iyon ang saya.
"Umiiyak ka ba Tey?"
"Hindi...... ah.... (pigil niya ang mapahikbi.) Hindi may sipon lang ako." Tangi niya dito. Batid niyang kahit di nakikita siya ni Marcos ay naramdaman nito iyon.
"Sige... mag ingat at mag pahinga ka muna sa inyo. Six o'clock in pronto nandun ako sa inyo."
"Okay sige aantayin kita."
"Bbye na."
"Okay bye na see you later Tey."
Ilang saglit pa naputol na ang linya.
Batid niyang nong nagkita sila ni Marcus sa Boracay ay nasabi na nito sa mga Magulang niya. Kaya alam niyang di na iyon mag alala sa kanya.
Nadatnan niyang si Meme lang ang tao. Nanood ng TV sa kusina.
"Meme ang Mommy? " tanong niya dahil closed ang clinic nito.
"Ay ate Tey, nandito na pala kayo. Ay sinundo po sila ng Kuya mo mag Hohotel daw po."
"Kailan pa?"
"Kaninang umaga pa po? Kumain na po ba kayo? Ipag luluto ko po kayo?"
"Ano bang meron sa ref.?" Ngaun nya pa lang naramdaman ang gutom.
"Di po ako nag luto e, ung ulam ko lng po ang niluto ko." Nagkakamot ito ng ulo.
"Sige kung anong meron na lang."
"Bulang-lang po. Okay na po ba sa inyo iyon?"
"Okay na iyon, ipagbalat mo ako ng manga at iyong alamang okay na sa akin iyon."
"Meme no phone calls kung sino man ang maghahanap sa akin, sabihin mo wala. Maliban kay Marcos. Pero mamaya pa iyon ng 6 oclock, Matutulog muna ako."
"Sge po."
Umakyat na siya sa kanyang silid, nais niyang mag pahinga. Ayaw niya na munang mag isip at lalong maiinis lang siya. Ang nais niya lang ay matulog. Binilin niya kay meme gisingin siya ng 5 ng hapon para maka pag handa siya sa kanyang sarili bago pa dumating si Marcus.
BINABASA MO ANG
Bedmates (COMPLETED)
RomanceChraizel was already 33 years old. A late bloomer...... Graduate in Calendar..... Freshmen in Lotto line..... In short? Ranking for oldmaid. Walang spices ang buhay niya kulang sa anghang. She meets a man in Elevator. The sparks begins and inde...