Chapter 4

423 12 0
                                    

Chandy's Pov

Busy lang akong nakaharap sa Laptop ko hanggang sa pumasok na si Manang at Hinatidan na ako ng Lunch. Hindi rin kasi ako pumasok ng opisina kasi naisipan kong magleave muna saglit.

Tapos na akong kumain ng mauhaw ako at walang makitang tubig sa Mug ko kaya ako nalang ang tumayo at bumaba para kumuha ng tubig sa kusina.

"Goodafternoon po Ma'am" Sabi ng mga Katulong na nakasalubong ko sa Kusina.

Ngumiti lang naman ako sa kanila ng may bigla akong nakita sa Tv na pinapanood nila.

'Daniel John Ford Padilla, The CEO of the Padilla Group of Companies ay Balik Pilipinas na nga ba?'

May lumabas pa na Interview nya sa Tv.

"Mr. Padilla, Is it true that you will be back in the Philippines soon?" Tanong sa kanya ng isang Pilipinong Reporter.

"Yes, I will help my brother handle our companies in the Philippines" Then smiled.

"Is it true that one of the reasons why you will be back in the Philippines is for your Former Bestfriend, Kathryn Bernardo?" Tanong naman ng isang Amerikanang Reporter.

"Uhmm.. No Comment. But Part of it" He said then smiled again.

Pagkatapos nun ay in-excuse nya na ang sarili nya.

Naiwan akong nakatulala sa Tv tsaka lang ako natauhan ng may narinig akong nabasag, Pagtingin ko sa Basong dala ko Basag na sya.

"Jusmiyo! Nako Chandria!" Sigaw ni Manang pagkapasok nya ng Kusina at pagkakita nya sakin.

Pinaalis nya naman na ako dun kasi daw baka daw masagutan pa ako kaya sumunod nalang ako sakanya.

"Sorry po, Manang" Hinging Paumanhin ko sakanya.

"Sige na, Ako na Bahala dito. Tapusin mo na ang ginagawa mo sa itaas." Tsaka sya ngumiti sakin kaya ganundin ang ginawa ko at umakyat na.

Pagkapasok ko sa opisina ko agad akong napaupo sa Swivel Chair ko at Napabuntong hininga.

"Uhmm... No Comment. But Part of it"

Part of it mo your Face Dumbass! Tsss!

Hindi ko nalang yun pinansin at Nagtrabaho nalang ulit. Wala rin namang mangyayari kung papansinin ko pa yun.

Sa sobrang busy ko sa Trabaho hindi ko napansin na Gabi na pala at Nakauwi na rin ang Barkada.

"Pssstt! Balita ko nakabasag ka nanaman ng Baso?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa Pintuan ng Opisina ko si Kats.

"Sorry na, Nagulat lang ako"

"Sakanya? Nagulat ka dahil nalaman mong babalik na sya?" Nangaasar na tanong nya sakin at pumasok ng opisina ko.

"Hindi." Diretsang sagot ko.

"Eh bakit na nagulat?" Naghahamon na tanong nya sakin habang may mapaglarong ngiti ang nakapinta sa mukha nya.

"K-kasi may nakita akong daga" Palusot ko.

"Daga? Kelan pa nagka-daga dito?"

"A-ahhh Matagal na." Umiwas naman ako ng tingin sakanya kasi baka malaman nyang nagsisinungaling ako.

Narinig ko namang tumawa sya kaya napatingin ako sakanya.

"Hindi ka talaga magaling mag-sinungaling" Natatawang komento nya.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now