Chapter 22

425 13 3
                                    

Chandy's Pov

Tumingin naman ako sakanya tsaka umayos nang upo pero di parin nagsasalita. Tumitig muna sya sakin nang matagal bago huminga nang malalim at nagsalita.

"I guess i failed again. Bagsak nanaman ako." Sabi nya at may kinuha dun sa table sa likuran nang sofa na inuupuan ko

"Matulog ka na." Huli nyang sabi bago dire-diretsyong lumabas.

Sumandal naman ako bago nilagay ang kamay sa ulo. Kainis!

Nagtagal muna ako dito bago ko naisipan na tumayo na at umakyat sa kwarto ko at natulog na.

Nagising ako dahil sa ingay nang alarm clock ko kaya pinatay ko ito agad at tumayo na para maligo.

Habang naliligo ay di ko maiwasang di isipin ang mga sinabi ni Daniel kagabi.

"Hanggang kelan mo ba ako pagsisisihin sa pagiwan ko sayo? Naging mali nanaman ba ako sa pagiwan ko sayo at pinabayaan ka sa iba? Kelan ba magiging tama ang desisyon ko sayo, Chandy?"

"I guess i failed again. Bagsak nanaman ako."

He's really confusing.

Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko ang buhok tsaka nagbihis na. Pagbaba ko ay dumiretsyo na agad ako sa Dinning Room tsaka ko sila nakita lahat dun na kumakain.

"Goodmorning." Bati ko at umupo sa bakanteng upuan tsaka kumuha nang makakain.

"Goodmorning." Bati rin nila bago nagpatuloy sa pagkain at kwentuhan.

"So, uhmm, I've seen the news last night.. About Drake?" Pagsisimula ni Liza na tumigil sa pagkain.

Napunta naman sakin ang atensyon nang lahat.

"Haha! Napanood ko rin yun! Kakilig!" Sigaw ni Alex na kumakain at tumawa.

Sinamaan naman sya nang tingin nila Liza at tumingin ulit sakin.

"And?" Sagot ko at tinuloy ang pagkain.

"Sabi nya matagal naman na daw silang break ni Trisha? Isn't that enough for you to accept him again?" Tanong ni Julia habang kumakain din.

"Hindi naman porke't sinabi nyang matagal na silang break ni Trisha at Mahal nya parin ako tatanggapin ko agad sya. I got hurt. Isn't that enough to tell you guys that i still can't accept him again?" Sagot ko at tumingin sakanila tsaka nagpout.

"Maybe i'll forgive him after 1 year." Biro na agad naman nilang ikinagulat.

"What?!/Seriously?!" Sabay-sabay nilang sigaw kaya napatawa ako.

Minsan talaga kailangan mo nalang nagbiro para matakpan ang sakit.

"Joke lang." Sagot ko at pinaglaruan ang laman nang baso ko.

Inirapan lang naman nila ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Anyway, Gotta go!" Paalam ko pagkatapos kumain at tumayo bago sila niyakap isa-isa.

Paglabas ko nang Garahe ay binuksan ko agad ang kotse ko at binuksan ang makina tsaka pinaandar.

Mabilis lang ako nakarating sa Kumpanya dahil sa walang traffic at agad na bumaba at pumasok nang kumpanya. Agad naman akong binati nang mga empleyadong nadadaanan ko na nginingitian ko lang naman.

"Goodmorning, Ma'am. May nagpapaabot po." Bati sakin ni Lea at may inabot sakin na isang envelope nang nasa loob na kami nang elavator tsaka nya pinindot ang floor nang office ko.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now