Third Person's View
It's already Christmas Vacation. Lahat ng tao sa Mansyon ay abala sa pagaayos ng mga kung ano-ano para sa araw ng pasko.
Simula sa Christmas Tree hanggang sa pagbili ng mga pang-noche buena.
December 24 na kaya marami na ang natataranta sapagkat isang napaka-enggrandeng pasko ang mangyayari sa Mansyon ngayon.
Samantalang, Si Chandria at Daniel naman ay nasa kusina para magluto.
"Ako naman po dyan, Ma'am, Ser." Sabi ng isang katulong sakanila sapagkat sabay lang silang ngumiti at umiling.
"Ako na po, Ya. Maghanda nalang kayo dun." Sabi ni Chandria at nagpatuloy na sa paghihiwa.
Labag sa loob na tumango lang naman toh at lumabas na ng kusina.
Tuluyan ng kinain ng katahimikan ang buong kusina tanging tunog lamang ng chopping board at mga kawali at kasirola ang maririnig.
Samantalang panay naman ang tingin sakanya ni Daniel..... at nararamdaman nya yun.
Ilang buntong hininga naman na ang pinakawalan nito at pilit na inaabala ang sarili sa pagluluto.
"K-kamusta na kayo ni Drake? Okay na ba kayo?" Kahit na naman na nito ang sagot, pinilit parin nitong itanong. Para lang may mapagusapan kumbaga.
"Alam mo sa sarili mo na matagal na kaming wala at matagal na rin kaming di okay." Malamig na sagot niya.
Hanggang ngayon ay di parin sila okay. At sa tingin niya ay di na sila magiging okay.
"Ahh. Okay." Sagot nalang nito na para bang na-barado.
And again, Kinain nanaman ng katahimikan ang buong paligid.
Ibubuka palang sana nito ulit ang bibig ng may dumating.
"Luto na ba yung pasta?" Biglang dating ni Grey at sumilip.
"Eh yung sauce?" Singit naman ni Alex na halatang planado ang mga ginagawa.
"Yeah." Sagot ni Chandria at inabot sa mga ito ang kailangan.
"Yown! Salamat! Bye!" Paalam ng mga toh at lumabas na.
"Bastards." Bulong ni Daniel habang nagluluto at umiling pa.
Umabot ng tatlong oras ang kanilang pagluluto. Ang dami ba naman kasi.
Pinalabas na nila lahat ng mga naluto na at pinalatag sa lamesa.
Habang sila naman ay umakyat sa kanya-kanyang kwarto para maligo at magbihis.
10:00 na ng bumaba sila. Sinalubong nila lahat ng mga bisitang nagdaratingan.
Simula sa pamilya ng mga Gil, Padilla, Bernardo, Soberano, Barretto, Magalona, Pascual, Salvador, Giri, Gothico at Kabe. Hanggang sa mga kamag-anakan na.
"Merry Christmas!" Sabi nila sa mga taong nakakasalubong nila.
Nagtuloy-tuloy ang kasiyahan sa buong paligid.
Nang mapagod na sa kakaikot si Chandria ay umupo muna sya sa isang gilid.
"Iha!" Napalingon sya sa tumawag sakanya at ngumiti.
"Tita!" Salubong nya sa ina ni Daniel.
"How are you?" Tanong nito sakanya at umupo sa tabi nito.
"Okay na okay lang po, Tita. Kayo po? Kamusta na po kayo?"
"Okay lang naman." Nakangiti sabi nito hanggang sa unti-unting lumungkot ang mukha nito.