Chandy's Pov
Busy akong nagbabasa nang mga papeles na kailangan kong pirmahan para sa partnership ko with an Italian Investor nang pabalang na bumukas ang pinto nang opisina ko at iniluwa noon ang lalaking ayaw na ayaw kong makita.
"Love please! Forgive me please! I'm begging you!" Umiiyak na pagmamakaawa nito habang nasa likuran nya si Lea na halatang kanina pa sya pinipigilan.
"Sir Drake. Bawal po kayo dito. Kailangan nyo na pong umalis." Sabi ni Lea dito pero di sya nito pinakinggan at lumapit pa sakin.
"Drake Get Out of my office. Please." Mahinahon kong sabi at hinawi ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.
"No! I love you, Love! Please! Forgive me! I'll do everything just for you to forgive me." Pagmamakaawa pa nito at akmang hahawak ulit ang kamay ko nang inilayo ko ito.
"Please Drake. Get out." Sabi ko habang pinipigilan ang sariling umiyak sa harapan nya.
"No no! I love you!" Sabi nito na nakapagpatawa sakin nang mapakla.
"You love me?! You have a Fiance for pete's sake, Drake! Tapos sasabihin mong mahal mo ko?! Aba, Drake! Maawa ka naman sa Fiance mong niloloko mo!" Sigaw ko at tumayo tsaka lumapit sa pinto kung nasaan si Lea.
"I don't love her! Ikaw ang mahal ko, Chandria! Ikaw lang!" Sigaw nya at lumuhod sa harapan ko at niyakap ang mga binti ko.
Narinig ko naman ang singhap ni Lea sa likod ko.
"Stop fooling around, Drake. Hindi naman kayo mae-engaged kung hindi mo sya mahal diba?" Sabi ko habang pinipilit na tanggalin na ang mga kamay nyang mala-bakal.
"She's not my Fiance! Dalawang taon na! Bago ko pa ikaw makilala iniwan nya na ako para sumama sa ex nya! Kaya hindi ko na sya Fiance!" Pagpapaliwanag nito habang yakap-yakap parin ang mga binti ko.
"Drake please!" Pagmamakaawa ko para umalis na sya dahil kahit ako naguguluhan na.
"No! Sinabi ko na diba?! Hindi ko sya Fiance! Matagal nang nawala ang nararamdaman ko sakanya simula nung iniwan nya ako. Love!" Pagmamakaawa nya pero inilingan ko lang sya.
Masyado nang masakit. Sobra na.
"Lea." Tawag ko sa sekretarya kong nakatayo lang sa likuran ko.
"Yes, Ma'am?" Tanong nya at tumingin sakin at pinilit na ngumiti kahit na halata na sa mukha nya ang pagkaawa.
"Call the guards." Nagulat naman sya maging si Drake sa sinabi ko.
"P-pero ma'am----"
"Lea please." Sabi ko kaya nagaalangan syang tumango at tumingin muna kay Drake na nakabaon ang ulo sa gitna nang hita ko at umiiyak tsaka lumabas.
"L-love." Hinihila ko sya patayo pero ayaw nya at mas hinihigpitan lang.
"Drake." Sabi ko habang pinipilit na tanggalin ang kamay nya pero di nya ako pinansin.
Maya-maya lang ay dumating na si Lea kasama ang mga guards at agad nilang kinuha si Drake nagwawala pa palayo sakin.
"Sorry po, Ma'am." Hinging paumanhin nila bago pinagtulungan na ilabas si Drake na pinipilit tumakas sa mga kamay nila.
"Love! Chandria!" Rinig kong sigaw nya pero tumalikod lang ako sakanya dahil nagsituluan nanaman ang taksil kong mga luha.
"Thank you, Lea." Sabi ko at unti-unting bumalik sa table ko.
"You're Welcome po, Ma'am. P-pero di po ba kayo naawa kay Sir Drake? Halos lumuhod na ho sya sa harapan nyo para lang patawarin nyo sya pero..." Nakayuko nyang sabi na ikinangit ko nang malungkot.