Chapter 6

353 14 1
                                    

Chandy's Pov

"Kelan mo ba sya makakalimutan?! Ako yung kasama mo Chandria! Ako yung Boyfriend mo! Pero sya parati ang nakikita mo! Hindi sya mawala-wala sa isip mo eh! Lalo na yung nalaman mo na babalik sya dito sa Pilipinas! Chandria kelan mo ba ako matututunang mahalin?! Kasi pagod na pagod na akong maghintay na mamahalin mo pa ako eh! Kasi hanggang ngayon! Alam kong sya parin ang mahal mo! Ano ba naman kasing laban ko diba?! Sya yung mas nakakakilala sayo ng sampung taon! Sya ang nakakaalam ng lahat sayo! Habang ako?! Wala! Wala lang ako eh! Kasi alam ko na kapag bumalik sya! Sya nanaman mamahalin mo! Sya mahal mo eh! Sya lang!"

Tatlong araw na since nung nangyari yun. Nagpapakita pa sya sakin pero cold na yung pakikitungo nya and i know kahit na hindi ko itanong sakanya, Alam kong kasalanan ko yun.

"Parang tanga ka kasi eh." Napatingin ako kay Lester nang bigla syang tumabi sakin.

"Sasagot-sagutin mo pero hindi mo naman pala Mahal."

"Mahal ko sya." Sagot ko sakanya at sumandal sa Headrest ng inuupuan ko.

"Mas mahal mo nga lang si..." Tumikhim sya at hindi tinuloy yung pangalan pero kilala ko kung sino tinutukoy nya.

"Paano ka nakakasigurado na mahal ko pa sya?" Diretsyo lang ang tingin ko sa Swimming pool sa Harapan ko.

"At paano ka rin naman nakakasigurado na hindi mo na sya mahal?" Ganti nya sakin habang natatawa.

"Kasi hindi na ako nagkakapake sakanya?" Natawa naman sya sa sagot ko.

"Hindi na ba talaga? Hahaha!" Napairap naman ako sakanya.

Aayyy Ewan!!! Nahihirapan na ako.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Naiirita kong tanong sakanya.

"Kakain na kaya tigilan mo na ang kakaisip mo dyan" Sabi nya at tumayo na ako.

"Geh" Sabi ko sakanya at hinayaan na syang umalis sa harapan ko.

Maya-maya lang ay tumayo na rin ako at pumasok na. Nagulat naman ako ng makasalubong ko si Drake habang papasok ako.

"L-love" Gulat kong bati sakanya at humalik sa pisngi nya ngunit nanatili parin ang malamig nyang expression.

"Mabuti naman at may balak ka pang kumain. Kanina ka pa nila hinihintay sa loob." Cold nyang sabi sakin kaya tumango nalang ako at yumuko tsaka sya nilagpasan.

Hindi pa ako nakakalayo ng may maramdaman akong kamay sa bewang ko kaya napatingin ako sakanya pero diretsyo lang ang tingin nya.

"Yun! Makakakain na din!" Excited na sigaw nung boys nang makarating kami sa Dining Room habang yung girls naman ay Natatawa lang sakanila.

"Sorry" Hingi kong paumanhin sakanila at tumawa.

Nagsimula na kaming kumain lahat habang nagtatawanan minsan napapayuko ako dahil sa Malamig na tingin minsan ni Drake sakin.

"Brad! Kamusta Company mo?" Tanong ni Kats na nakapag-pabasag sa ng klase ng pagtitig nya sakin.

"Good. Successful actually pero syempre like you guys, Nagkakaproblema rin naman pero naaayos din." He answered at Nagsmile sakanya.

"Haha! I heard may bago ka ulit na investor? From Paris,France?" Paninigurado nya at tumingin sakin ng konti tsaka binalik din agad ang tingin kay Drake.

"Yup, Padilla Group of Companies" Napatigil naman ako sa sinabi nya.

Nabitawan nilang lahat ang mga kutsara at tinidor nila kaya napatingin ako sakanila tahimik silang lahat at halatang nagulat din sila sa narinig nila. Napatingin naman ako sakanya at nakita ko syang nakatitig sakin with a cold eyes.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now